REACTION PAPER "Patch Adams" Propesyong doktor ay hindi madali para sa kanila bagamat sila din ay tao na binigyan ng buhay. Ngunit hindi sa lahat ng panaho'y ginagantimpalaan ng maayos na kalusugan at buhay sapagkat marami ring mga taong dinadapuan/dinapuan ng mga iba't-ibang uri ng sakit. Bilang doktor na tungkuling gamutin at bigyang pansin ang kanilang mga pasyente isang malaking gantimpala nila ito para sa kanilang sarili na hindi lamang sa larangan ng pagtulong ang ginagawa nila bagkus napapasaya din nila ang pamilya ng taong ginagamot/ginamot at gayundin ang kani-kanilang sarili sa pagsasagawa ng matagumpay na misyon. Batay sa aking mga karanasan nasaksihan ko ang mga gawain ng mga doktor sa loob ng gamutan sila ay naglalaan ng oras at sinisigurado nilang malakas ang kanilang pangangatawan at resistensya. Upang mabigyan sila ng motibing kailangan nilang bumangon bagkus pinili nila ang propesyong ito upang makatulong sa kanilanh mga kapwa. Ito'y hango sa totoong buhay ng isang tao na may "manic depressive disorder, or to use a much more contemporary term, a man with bipolar man". Ang palabas na isang komedya-drama na tungkol sa isang doktor na may titulong "Patch Adams" na ginagampanan ni Robin Williams na ang tanging layunin lamang neto ay manggagamot ng may mga sakit. Sa ganitong pamamaraan dito nabibigyan ng saysay ang kanyang buhay at galing sa larangan ng panggagamot. Makikita mo ang sobrang pagkahilig ni Patch Adams sa pag-aalaga ng kanyang mga pasyente bagkus ito'y kanyang pinapasaya sa paraang kahit papaano'y maisip nila'y wala silang sakit. Si Patch Adams ay nagpatala sa Unibersidad ng "Virginia Medical University" upang kunin ang kursong medisina bagamat nais nitong maging isang matagumpay na doktor. Kaya't siya'y nagtrabaho sa