Pagsusuri sa Kantang "Tatsulok" na Isinulat ni Bamboo STEPHANIE PALOMO | 12 STEM A Ang "Tatsulok" ni Bamboo ay isa sa mga pinakapopular na awitin noong 2004. Hindi lamang ito paborito ng mga kabataan, kundi sa mga nakakatanda rin. Mas lalong itong naging popular dahil sa makabuluhan at mapagpalayang mensahe ng mga linya. Isang kanta tungkol sa realidad. Ito ay nakakaantig sa puso ng maraming tao dahil ito ay nagsasabi ng isang totoong kuwento, isang kuwento na nakatago sa likod ng kamera at sa mga inosenteng mata at isipan ng mga taong nakakaranas ng hindi pantay-pantay na trato ng mga nasa itaas. Ang pangunahing salungatan sa kantang ito ay kawalan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng tao laban sa lipunan. Ang kantang ito ay nagbibigay ng kahalagahan sa mga mamamayang nasa ibaba ng lipunan. Binibigyang-diin nito ang kawalan ng katarungan at pantay na pagkakataon, kung saan ang mayayaman ay nasa itaas at ang mga mahihirap ay patuloy na nasa ibaba. Ang bawat liriko ay nagpapakita ng mga hamon at pagsubok sa buhay na kinakaharap ng mga mahihirap. Sa linyang "Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban, ang kulay at tatak ay di siyang dahilan", hindi ang kulay at tatak ang nagpapakita ng tunay na pagkakaiba. Sa halip, ang mga mayayaman at may kapangyarihan ang patuloy na nagpapahirap sa mga mahihirap. Ang awitin na ito ay nagtatapos