2 POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kabanata 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN Panimula Ang wika’y salamin ng ating pagkakakilanlan, ito’y may malawak na bahagi sa buhay ng tao, wika ang siyang tulay sa simula ng anumang ugnayan at wika rin ang magiging tagapagpadaloy upang mabuhay sa agos ang kultura at panitikan ng isang bayan. Ngunit paano kung ang mismong wika ang mawala? Ayon nga kay Paul Newman (2004), “Ang wika ay namamatay dahil ang komunidad na gumagamit nito’y unti -unti na ring namamatay, nangangamatayan sapagkat sila’y mahihirap, kinalilimutan o dili naman kaya’y biktima” (p. 6). Hindi man intensyon ng tao o ng etnikong grupo na mawala ang kanilang sinusong wika, ngunit kung minsan hindi ito naiiwasan dahil sa maraming suliranin at pangangailangan na dapat bigyang pansin. Batay nga kay Michael Walsh (2008), binanggit niya sa pulong ng “Pandaigdigang Komperensya sa Nanganganib na Wika” na naganap noong Oktubre 2018, na mayroong higit sa 7,000 buhay na wika sa buong mundo. Lubos na nagbabago-bago ang pagtaya kung ilan sa mga wikang ito ang nanganganib, subalit tila may pagkakasundo na marami sa mga ito ang nanganganib (12). Sa talaan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) mayroong tatlumput siyam (39) na wika sa Pilipinas ang maituturing na endangered o nanganganib maglaho,