293 TULA Carlos M. Piocos III\Mula sa Kung ang Siyudad ay Pag-ibig Refugee Mahirap matagpuan ang sarili sa gitna ng dilim ng gubat. Paano nga ba natin nagagawang iwan ang lahat para lamang makaligtas? Kani-kanina lamang ay hinahabol ako ng mga kahol ng aso at mata ng flashlight. Bago iyon, ay mabilis kong binagtas nang walang lingon-lingon ang tulay na naghihiwalay sa magkalaban nating bayan, nilagpasan ang mga naligaw na tolda sa daan, ang mga nag-iinumang tambay sa tindahan, ang mahihimbing na paghilik ng hatinggabi at mahihinang himig ng dayuhang awit bitbit ng usok mula sa siga ng madaling-