cognizancejournal.com Racquel B. Mayag-as et al, Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, Vol.3, Issue.12, December 2023, pg. 176-190 (An Open Accessible, Multidisciplinary, Fully Refereed and Peer Reviewed Journal) ISSN: 0976-7797 Impact Factor: 4.843 Index Copernicus Value (ICV) = 77.57 ©2023, Cognizance Journal, cognizancejournal.com, All Rights Reserved 176 KAALAMAN NG GURO SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO Racquel B. Mayag-as; Rose Ann L. Tomas; Bernalyn L. Hidalgo; Rozendy S. Ngawa; Nilda A. Fernandez Student, Graduate School, Baguio Central University DOI: 10.47760/cognizance.2023.v03i12.015 ABSTRAK Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang kadalasang teknolohiyang gamit, antas ng kaalaman at kasanayan, at mga kadalasang salik na nakaaapekto sa mga guro na gumagamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, Araling Panlipunan, at English. Ito ay ginamitan ng kwantitatibong pamamaraan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Baguio City National Science High School sa taong panuruan 2023-2024 na may kabuuang bilang na dalawampu’t limang (25) guro na nagtuturo sa asignaturang Fi lipino, Araling Panlipunan, at English sa sekondarya bilang tagatugon. Sa pag-aaral, ginamit ang pakikipanayam at talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagrarango. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Ang PowerPoint Presentation o PPT ang kadalasang gamit ng mga guro sa pagtuturo, batay sa resulta ng sarbey; maalam at mahusay sa paggamit ng iba’t ibang teknolohiya ang mga guro sa pagtuturo ngunit makikita na ang paggamit ng zipgrade application sa pagwawasto ng mga pagsusulit at paggamit ng kahoot application para sa pagtataya ay nasa pinakahuli na nagpapahiwatig na di-gaanong mahusay ang mga guro sa paggamit nito; at, ang kakulangan sa mga kagamitang gagamitin ang pinakapangunahing salik na nakaapekto sa mga guro sa kanilang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang naging konklusyon: Ang kadalasang ginagamit ng mga guro na teknolohiya sa pagtuturo ay ang powerpoint presentation, alisunod sa pagsusuring istadistika; nasa mahusay na antas ang kaalaman at kasanayan ng mga guro sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at karamihan sa guro ay dalubhasa sa paggamit ngunit may ibang panteknolohiyang gamit ang di-gaanong mahusay sa paggamit nito halimbawa na lamang ay ang makabagong panteknolohiyang gamit na Kahoot na siyang pinakamadalang gamitin ng mga guro; at, ang kakulangan sa kagamitang panteknolohiya ang naging seryosong salik na nakaapekto sa mga guro sa pagtuturo kaya naman kinakailangan pa ng pagkakaroon ng palihan at workshap sa mga guro na mayroong malaking ambag sa integrasyong panteknolohiya sa loob ng mga silid-aralan, alinsunod kina Pelila et.al, 2022. Susing Salita: makabagong teknolohiya, powerpoint, antas, salik, dalubhasa.