EPEKTO NG DAYUHANG IMPLUWENSIYA SA WIKA AT KULTURA NG MGA MAG-AARAL SA IKALABING-ISANG BAITANG Yanna Ehra Santina M. Malaluan, Renos Khen O. Tuanda, Shayne Jessa P. Gaviola, Princess Bea S. Econar, Luke Hendrix A. Tejano, Lucine Kristiel Q. Juanite, Jojames Arnaldo G. Gaddi Basic Education Department, St. Paul University, Surigao City, Philippines https://doi.org/10.5281/zenodo.11188881 ABSTRACT Habang mas mabilis nagbabago ang anyo ng wikang Filipino, ang impluwensiya ng kultura ng dayuhan ay patuloy na lumalaganap at naimpluwensyahan ang kultura at wika ng tao lalo na sa kabataan ngayon. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung ano ang epekto ng dayuhang impluwensya sa kultura at wika partikular sa mga kabataan. Ang napiling respondente ay ang mga mag-aaral sa ikalabing–isang baitang (edad 15-18) dahil ito ang angkop na edad kung saan ang mga kabataan ngayon ay kapansin-pansin mabilis naimpluwensiyahan ng kulturang dayuhan lalong-lalo pagdating sa sining, musika, pananamit, at iba pa. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng disenyong kuwantitatibo sa pamamagitan ng sarbey na talatanungan. Sa pamamagitan ng stratified random sampling, isang kabuuang bilang na dalawang daan at siyam (209) na mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ang naatasang sumagot sa talatanungan. Ang mga pangunahing natuklasan ng pag-aaral ay ang kulturang dayuhan lalo na sa bansang Amerika ay may pinakamalaking impluwensiya sa mga mag-aaral, mas pinipili ng mga mag-aaral ang pinaghalong Filipino at wikang dayuhan, mas nawiwili ang mga mag-aaral sa mga dayuhang musika at pelikula kaysa lokal. Batay sa resulta ng pag- aaral patunay na ang dayuhang impluwensiya ay may kadalasang epekto sa wika at kultura ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na itaguyod ang pagbuo ng mga programa na naglalayong mapanatili at palakasin ang paggamit ng tradisyonal na wika at magpalakas at magbahagi ng mga kagandahang-asal at