Kaalam: A Multidisciplinary Journal (KMJ) Vol. 3, No. 2 (August) 2024 1 Karanasan ng mga Guro sa Paggamit ng Information and Communications Technology Digital Tools sa Pagtuturo ng Filipino Windy Q. Racho 1 *, Briccio J. Baynosa 2 Fatima National High School, General Santos City, Philippines 1 Holy Trinity College of General Santos City, Philippines 2 Corresponding Author: Windy Q. Racho windy.racho24@gmail.com A R T I C L E I N F O A B S T R A C T Keywords: buhay na karanasan, guro sa Filipino, ICT, digital tools Received : 18, June 2024 Revised : Accepted: 02, August 2024 Ang qualitative phenomenological na pag-aaral na ito ay natukoy at naintindihan ang karanasan ng mga guro sa paggamit ng Information and Communications Technology (ICT) digital tools sa pagtuturo ng Filipino. Sampung guro sa Filipino ang naging impormante at ginamit ang semi-structured na pakikipanayam. Isa-isang kinapanayam ang mga gurong ito gamit ang in- depth interview guide. Gamit naman ang thematic analysis sa pagsusuri ng datos, natuklasan ang mga tema na aktibong nakikilahok sa mga pagsasanay, napagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto, at nagkaroon ng pansariling pamamaraan sa pagtuturo at paggamit ng digital tools, na naging kalakasan ng mga guro sa paggamit nito. Samantala, natuklasan din ang mga tema na kahirapan sa internet access at gadyet, kahirapan sa pagsubaybay sa gawain ng mag-aaral, at pangangailangan ng dagdag na pagsasanay na naging kahinaan naman ng mga guro sa paggamit nito. Ang mga kahinaang ito ay nagdudulot ng kawalan ng motibasyon at nahihirapang makisabay ang mga gurong Generation X sa mga milenyals sa paggamit ng ICT digital tools partikular na ang E-lessons at E- games. Naging rekomendasyon ng pag-aaral na maaaring tiyakin ng administrasyon o tagaplano