65 Pagbabalik-Tanaw sa Masalimuot na Ugnayang Tsino-Español sa Pilipinas at Pag-iimahen sa mga Tsino noong Dantaon 16-18 1 Looking Back at the Complicated Chinese-Spanish Relations in the Philippines and Perception to the Chinese during the 16-18 th centuries. LORENZ TIMOTHY BARCO RANERA lbranera@up.edu.ph Unibersidad ng Pilipinas Manila 1 Nabuo ang preliminaryong bersiyon ng papel noong Disyembre 2019 bÍlang isa sa mga rekisito ng Kasaysayan 203: The Philippines during the 17 th and 18 th Centuries sa ilalim ni Prop. Vicente C. Villan, Ph.D, UP Departamento ng Kasaysayan. ABSTRAK Mas matagal nang namalagi ang mga Tsino sa kapuluan ng Pilipinas kaysa sa mga mananakop na Español. Kung kayâ, hindi maiiwasan ang pagtatagpo ng dalawang pangkat na ito sa agos ng tatlong dantaon ng kolonisasyon. Sa pagbabasá ng mga naunang literatura hinggil sa lipunang Tsino sa Pilipinas noong panahon ng kolonisasyon, matatawag na masalimuot na duwalidad ang naging ugnayang Tsino-Español noong ika-16-18 na dantaon. Tumuon ang papel sa maraming hidwaan sa pagitan ng mga Tsino at Español sa loob ng tatlong kategorya na tinatawag na “suliraning Tsino”: (1) ang naganap at bantang pagsalakay ng mga banyagang Tsino; (2) ang rebelyon at malawakang pagpatay ng mga Tsino; at (3) ang polisiya sa pagkontrol ng populasyon ng mga Tsino sa kolonya. Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw at pagtatasa ng mga ito, iminumungkahi at sinusuportahan ng papel ang panibagong pag-iimahen sa mga Tsino sa Pilipinas bÍlang impluwensiyal at pinangangambahang grupo kompara sa matagal nang itinatatak sa kaniláng “despised cultural minority” (Abinales & Amorsolo 65). Mga susing salita: lipunang Tsino, araling Tsino, ugnayang Tsino-Español, kolonisasyon, Kasaysayan