LIBRO DE ORACIONES Y PODER DE TALISMAN (Aklat ng mga Orasyon at Pampalakas ng mga Anting-Anting) Isinulat at Gawa ni: Caeruleum Magus Ito ang aklat ng mga orasyon sa makabagong panahon, bilang antingero at gumagamit ng anting-anting. Kung tayo ay practitioners ng pagoorasyon at anting-anting, ito ang para sa inyo. Narito rin ang mga iba't ibang orasyon kung paano mapalakas ang mga gamit nating anting- anting, dasal pakain, pagcoconsagra sa mga gamit, bato, mutya at iba pa. May mga oracion din para sa iba't ibang mga bagay, at espesipikong orasyon para sa espesipikong sitwasyon. Bago ang lahat, nais kong sabihin na ang makabagong tingin sa pagoorasyon at pag-aanting ay kailanman hindi naging less effective o ineffective, kundi, tinitignan nito ang practical at wider scope ng pagiging isang antingero at paguusal ng mga oracion. LENGUAHE SA ORACION Isang bagay ang mapapansin sa mga oracion ng anting-anting ay ang lenguahe na ginagamit, na kung papansinin ay LATIN. Ang salitang Latin ay isang klase ng dead language. Wala nang gumagamit nito na buhay na tao at makikita na lamang natin ito sa medical at scientifical terminologies, katulad ng medical conditions, medical actions, scientific names at pati na rin sa Law, kung saan ang ilang mga terminolohiyang gamit ng isang abogado ay mula sa salitang latin. 1