Victoria & Ricafrente... 152 Ang Huling Dalagang Bukid: Isang Authograpiya na Mali Vasil A. Victoria, Ph.D. Ateneo de Naga University Leo B. Ricafrente Calabanga National High School Abstrak: The paper is a comprehensive reading and in-depth analysis of the renowned Filipino author Jun Cruz Reyes. It highlights the 10 important aspects of the work that are critical in its literary interpretation. It also emphasized the embedded meanings in the title, literary composition, style, genre, linguistic aspects, and the prevailing literary tone of the text. Keywords: Literary Criticism, Novel, Filipino Orthography, Elements of a Novel Introduksyon A linsunod sa kahingian ng mga pamantayan sa panunuring pampanitikan o mga batayang itinatakda ng kurso sa akademikong gawaing ito, sampu ang layunin ng papel na ito sa kabuoan. Bagaman sa pangkalahatan ay inaasahan na mailatag sa suring-basa na ito ang dalumat ng kilalang akda ng isa sa mga natatanging muhon sa kasaysayan ng panitikang Filipino na si Pedro Cruz Reyes, Jr. o mas kilala natin sa tawag na Amang Jun Cruz Reyes, na kaniyang binigyang-identidad sa napakakontrobersiyal nitong pamagat na Ang Huling Dalagang Bukid at Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon. Una sa mga inaasahan ay ang maibigay kung ano ang bago sa pamagat. Kasama na rito ang ang paglatag kung bakit masasabing bago ito sa pamagat, mapangatwiranan kung angkop o tama ang pagkakayari nito, maisulat kung ano ang bago sa manunulat gayundin sa tagapaglathala (kasama na ang taon) at mailarawan ang manunulat sa tulong ng pagbibigay-lundo sa kaniyang mga pagkilalang natamo o mga katulad.