cognizancejournal.com
Jaymart R. Famor et al, Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, Vol.4, Issue.11, November 2024, pg. 305-319
(An Open Accessible, Multidisciplinary, Fully Refereed and Peer Reviewed Journal)
ISSN: 0976-7797
Impact Factor: 4.843
Index Copernicus Value (ICV) = 77.57
©2024, Cognizance Journal, ZAIN Publications, Fridhemsgatan 62, 112 46, Stockholm, Sweden, All Rights Reserved 305
KARANASAN NG MGA MAG-AARAL NG
SENIOR HIGH SCHOOL SA PAGGAMIT
NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE
Jaymart R. Famor
DepEd Biliran – Caibiran National High School
famorjaymart@gmail.com
Frallyn Candido
DepEd Biliran – Naval National High School
fralyn.candido@gmail.com
Dr. Gregg O. Siat
Biliran Province State Univeristy, Naval, Biliran, Philippines
greggsiat@gmail.com
DOI: 10.47760/cognizance.2024.v04i11.018
Abstrak: Ang pag-aaral ay naglalayong tuklasin ang karanasan ng mga mag-aaral at
mga hamon sa paggamit ng artificial intelligence. Ito ay isinagawa sa mga mag-aaral
na gumagamit ng artificial intelligence sa Senior High ng Caibiran National High
School, Caibiran, Biliran. Ang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong
phenomenological na disenyo upang sagutin ang mga layunin na nakuha mula sa
mga kalahok sa panayam na isinagawa para sa mahalagang nilalaman ng pag-aaral.
Ang mga natuklasan sa mga karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Artificial
Intelligence (AI) ay kinabibilangan ng: napapadali ang mga gawain; mayroong tama at
maling impormasyong naibibigay; nakatutulong sa pagkakaroon ng mataas na marka;
at maaaring kausapin sa pamamagitan ng live chat. Ang mga hamon sa paggamit ng
Artificial Intelligence (AI) ay kinabibilangan ng: hindi ganap na naiintindihan kaagad
ng AI ang tanong o mga hinihinging kasagutan; dumidepende at umaasa na lamang
sa paggamit ng AI; at nakakaapekto sa kakayahang magbasa at umunawa. Sa mga
pamamaraan kung paano nalalagpasan/ nakakayanan ang mga hamon sa paggamit
ng Artificial Intelligence ay mayroong dalawang resulta: paggamit ng tiyak at
simpleng mga salita upang makuha ng AI ang buong ideya ng tanong; at paglimita o
pag-iwas sa paggamit ng AI. Sa pagpapalakas o pagpapatibay naman sa paggamit ng
Artificial intillegence naman ay may mga pamamaraan na inirekomenda: maaaring
magpanukala ng mga polisiya sa paggamit ng artipisyal na katalinuhan; at maaaring
gamitin ang AI sa mas malawakang pagkatuto. Ayon sa mga resulta ng pag-aaral,
inirerekomendang gumawa ng mga patakaran upang mapangasiwaan ang paggamit
ng AI sa paaralan. Kailangan ding palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa AI
kasama ang mga benepisyo at limitasyon nito. Patuloy ang pagbabago sa ating
panahon kung kaya’t nararapat na ating tanggapin at yakapin ang mga pagbabagong
ito bagamat mayroong mga negatibong epekto ito sa ating paaralan.