MGA SALIK AT EPEKTO NG PML (Popular Modernized Language) SA MGA MAG-AARAL SA JUNIOR HIGH SCHOOL Ronamay S. Sibayan Lyceum-Northwestern University, Philippines https://doi.org/10.17613/vdc4z-3q816 ABSTRACT Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang salik at epekto ng PML (Popularly Modernized Language) sa mga mag-aaral sa Junior High School. Ang pag- aaral ay isinagawa ng taong panuruan 2023-2024. Sa pagsuri ng mga datos,ginamit ang Descriptive Correlation. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa paraang sarbey. Bumuo ang mananaliksik ng talatanatungan. Gumamit ang mananaliksik ng Kruskal- Wallis test upang malaman ang ugnayan ng mga baryabol na ginamit sa pananaliksik at ginamit upang matukoy kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa istatistika sa pagitan ng mga median ng tatlo o higit pang mga independiyenteng grupo. Upang matiyak ang mga respondente sa pag-aaral na ito total population at frequency count ang ginamit. Alinsunod ang paggamit din ng mean upang malaman ang impluwensiya ng social media sa wikang Filpino ng mga respondenteng mag-aaral. Ang pag-aaral na isinagawa ay may kabuoang bilang na 372 ng mga respondente na mula sa mga baitang 7, 8, 9 at 10 sa Junior High School. Sa pag-aaral na ipinakikita ang mga Popularly Modernized Language na ginagamit sa social media platforms ng mga respondente na mayroong makahulugang ugnayan sa kanilang Popularly Modernized Language na ginagamit at ang kanilang paggamit social media platforms na Facebook, Youtube, Twitter, Threads at Instagram. Ang mananaliksik ay gumawa ng mungkahing gabay sa integrasyon ng Popularly Modernized Language sa pagtuturo ng Filipino sa Junior High School. Naipakikita sa aksyon plan ang mga gawain na maaaring isagawa ng mga guro upang makasabay at maintindihan nila ang mga Popularly Modernized Language na madalas gamitin ng mga mag-aaral.