INCLUSIVE EDUCATION SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NA MAY SPECIAL NEEDS EDUCATION (SNED): SALIK, HAMON AT PAG-UNLAD Wilma S. Paraguison, Ph.D. Lyceum Northwestern University, Dagupan City, Philippines https://doi.org/10.5281/zenodo.14930572 ABSTRACT Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang maging makabuluhan at makahulugan ang proseso ng pagtuturo ng guro, at pagkatuto ng mga mag-aaral (SNED), batayan ng mga mananaliksik upang madagdagan ang kaalaman na magbibigay daan upang matugunan ang pangangailangan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tukuyin ang mga suliranin, epekto at pag-unlad ng inclusive education sa asignaturang Filipino sa mga mag-aaral na may Special Needs Education (SNED). Sa pamamagitan ng kwalitatibong penomenolohiya, interbyu (semi-estrukturado) ang ginamit sa pangangalap ng datos. Sa pamamagitan ng profayl ng mga mag-aaral na kabilang sa SNED sa inklusibong edukasyon nakikilala ang pagkaka-iba-iba ng bawat indibidwal. Ang mga suliranin nakalap sa pagpapatupad ng inclusive education ay kakulangan sa pagsasanay at kaalaman ng mga guro, kagamitan at pasilidad, suporta, kultural at sosyal na pananaw, at limitadong koordinasyon sa mga magulang at espesyalisadong guro. Ang inklusibong edukasyon ay nagdudulot ng malawak na pag-unlad, hindi lamang sa aspetong akademiko kundi pati na sa kanilang sosyal, emosyonal, at interpersonal na kasanayan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng masusing pagsusuri, pagbuo ng personalized learning plans, at paggamit ng estratehiya sa pagtuturo, nagiging epektibong pagkatuto at pakikilahok ng mga mag-aaral. May mga hadlang at diskriminasyong nakakaapekto ngunit sa pamamagitan ng makabuluhang suporta mula sa mga guro, administrasyon, magulang, at gobyerno magiging matagumpay ang pagpapatupad sa inklusibong edukasyon. Nakabuo ang mananaliksik ng modelong IE FILSNED sa pagtuturo sa asignaturang Filipino sa mga mag-aaral na SNED na naglalayong matuto na may