Jhoyce Ann T. Obmerga ABLCS 2-2 February 5, 2023 Buhay at Mga Sinulat ni Rizal Jose Rizal Bilang “Pambansang Bayani” Ang Pilipinas ay pumasailalim sa kolonyalismo ng iba’t ibang bansa sa loob ng maraming taon. Dahil lumaya ang ating mga ninuno sa kadena ng mga kolonista, nararapat lang na ipagunita ang mga natatanging piguro sa likod ng rebolusyon na nagbigay-kalayaan sa bansa. Mayroong mga batas at proklamasyon na binibigyang-karalangan ang mga Pilipinong may kontribusyon sa paglaya ng bansa. Isa na rito si Jose Rizal, na kinilala bilang “Pambansang Bayani” ng Pilipinas. Sa kabila nito, ang National Commission for Culture and the Arts (n.d.) ay ipinahayag na walang opisyal na batas, saligang batas o proklamasyon na inilabas na opisyal na proklamasyon sa mga Pilipinong historikal na pigura bilang “Pambansang Bayani”. Kung ganoon, bakit kilala si Jose Rizal bilang pambansang bayani? National Heroes Committee Dahil dito, tayo ay magbalik-tanaw bago sa kung paano dumating sa ganitong punto na ang ating mga mamamayan ay kinikilala si Rizal bilang pambansang bayani. Noong ika-28 noong Marso 1993, naglabas si dating pangulo Fidel V. Ramos ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 75 na pinangalanang “Creating the National Heroes Committee Under the Office of the President”. Sa ilalim nito ay mayroong siyam (9) na Pilipinong pigura na dadaan sa pagsusuri dahil sa kanilang kagila-gilalas na kontribusyon at katangi-tanging reputasyon. Kabilang sa siyam na Pilipino ay si Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino, and Gabriela Silang. Sila ay sinuri gamit ang Criteria for National Heroes. Ito ay ang: 1. Mga bayaning may konsepto ng nation at, pagkatapos, naghahangad at nagsusumikap para sa Kalayaan ng bansa;