1 HOMILIYA SA MISA PARA SA IKAAPAT NA LINGGO SA KUWARESMA (Cycle C) ISANG AMANG MAAWAIN! Ang mga pagbasang gagawin sa Misang ito para sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma (Cycle C) at ang kanilang buod ay ang mga sumusunod: Unang Pagbasa – Josue 5:9a, 10-12 - At sinabi ni Yahweh kay Josue, “Inalis ko ngayon ang kahihiyan ng pagkaalipin ninyo sa Egipto.” Ikalawang Pagbasa –2 Cor. 5:17-21 - Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. Ebangheliyo – Lukas 15:1-3, 11-32 - 'Sumagot ang ama, 'Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan. '” Mayroong tatlong lebel ng paliwanag, o interpretasyon, at kahulugan ang ebangheliyo natin ngayong Ika-Apat na Linggo sa Kuwaresma tungkol sa kuwento ng Alibughang Anak (Prodigal Son). Ang unang lebel ng interpretasyon at kahulugan ay ang tinatawag nating mistikal, o esoterikal, na interpretasyon at kahulugan. Ang pangalawang lebel ng interpretasyon at kahulugan ay skriptural na interpretasyon. Ang ikatlong lebel ay ‘yung komun na interpretasyon na palagi na nating naririnig sa mga sermon sa simbahan. 1. Ang unang lebel ng interpretasyon at kahulugan ay ang tinatawag nating esoterikal, ayon sa teyolohiya mistikal, na may paliwanag ng ganito: Ang kagandahan ng buhay sa halamanan ng Eden (Paraiso) ay inilalarawan sa talinghagang ito tungkol sa Alibughang Anak (Lk. 15:11-32). May