Name: Hannah Bantilan Course & Section: IEE41 Professor: Jumel G. Estrañero (Sir. Stranger) Subject: Rizal's Life and Works Rizal at Kabataan Ngayon: Ang Papel ng Kabataan sa Pagbabago ng Lipunan I. Panimula (Prelude) Ang kabataan ay tinatawag na "pag-asa ng bayan," isang pahayag na naging tanyag dahil kay Dr. Jose Rizal. Pero sa panahon ngayon, marami ang nagtatanong: ang kabataan pa ba talaga ang pag-asa ng bayan? Sa gitna ng social media, online games, at iba’t ibang mga uso, tila nalilihis na sa tamang landas ang ilang kabataan. Marami ang hindi interesado sa balita, sa kasaysayan, at sa mga isyung panlipunan. Ngunit kung babalikan natin ang buhay at mga paniniwala ni Rizal, makikita natin na bata pa lang siya ay mulat na siya sa nangyayari sa kanyang paligid. Ginamit niya ang kanyang talino, talento, at pagsulat para imulat ang mga Pilipino. Sa kanyang mga akda, paulit-ulit niyang binibigyang-diin na ang edukasyon at pagkilos ng kabataan ay mahalaga sa pag-unlad ng bayan. Sa sanaysay na ito, tatalakayin natin ang koneksyon ng mga kaisipan ni Rizal sa kabataan ngayon. Tingnan natin kung paano makakatulong ang kabataan sa pag-aangat ng bayan, at kung paano nila maaaring itama ang maling sistema sa lipunan gamit ang kanilang boses, kaalaman, at pagkilos. II. Katawan (Body) Si Rizal ay hindi lamang manunulat, isa rin siyang kabataan na ginamit ang kanyang lakas, isip, at puso para sa bayan. Sa murang edad, nagsimulang magsulat si Rizal tungkol sa mga problema ng Pilipinas. Hindi siya takot na akusahan sa mga maling ginagawa ng simbahan at pamahalaan noon. Ginamit niya ang panulat bilang sandata para gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. Sa panahon natin ngayon, may sarili ring laban ang kabataan. Bagama’t hindi na natin kailangan makipaglaban gamit ang armas, ang tunay na labanan ay nasa kaalaman, social media, at aktibong pakikilahok sa lipunan. May mga kabataang gumagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng content creation, vlogs, community service, at maging sa mga kilos-protesta. Ipinapakita nito na hindi totoo na tamad o walang pakialam ang lahat ng kabataan. Ngunit totoo rin na may mga kabataang naliligaw ng landas. May ilan na inuuna ang pansariling interes kaysa sa pag-aaral at pagtulong sa kapwa. May ilan ding ginagamit ang social media para manira o magpakalat ng maling impormasyon. Dito natin makikita na ang sinabi ni Rizal tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ay mas mahalaga ngayon kaysa noon. Ang edukadong kabataan ay hindi madaling malinlang. Alam nila kung paano suriin ang