Nationalism and Revolutions in the Philippines May 5, 2024 Rebyu Sityar, Manuel. Rebolusyong Filipino: memorias intimas. Isinalin ni Trinidad O. Regala, pinamatnugutan ni Virgilio S. Almario. Lungsod ng Quezon: Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Sentro ng Wikang Filipino, 1998. Ang Hindi Natapos na Rebolusyon ni Manuel Sityar Leichelle Arce Tubojan Batsilyer ng Artes sa Kasaysayan, 4-1 I . INTRODUKSYON Ang akdang ito na pinamagatang Rebolusyong Filipino: memorias intimas ay isinalin ni Trinidad O. Regala at pinamatnugutan ni Virgilio S. Almario. Ang orihinal na pamagat nito ay Memorias de la Revolucion na isinulat naman ni Manuel Sityar. Ito ay inilathala sa publiko noong taong 1998 kasabay sa pagdiriwang ng Sentenaryo ng Rebolusyong Filipino ng Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diliman. Ang akdang ito ay naglalaman ng 213 na pahina, habang ang manuskrito naman ay may 211 na pahina at binubuo ng 18 na kabanata. Ang pagtanaw ni Sityar sa Rebolusyon ay nahahati sa dalawang bahagi kung kaya’t ang manuskritong ito ay may dalawang bahagi, subalit nawawala ang ikalawa. Sinasabi na ang unang manuskrito (ang akdang ito) ay naglalaman ng kanyang mga danas bilang isang opisyal ng Espanya, habang ang ikalawang manuskrito naman na nawawala ay naglalaman ng kanyang mga danas bilang isang opisyal ng Pilipinas, sa panahon ng himagsikan. Maikling pagtalakay sa kasaysayan ng akda: taong 1995 nang mapalad na lumutang ang manuskritong ito mula sa pagkakakubli. Ito ay nabili ng Heritage Bookshop na may 211 na pahina na sulat kamay ni Sityar, at kalaunan ay nabili ng kolektor na si Emmanuel Encarnacion. Tinulungan ni Ramon Villegas si Encarnacion na hanapin ang kamag-anak ni Sityar upang masiguro ang awtentisidad ng manuskrito. Mula rito ay natagpuan nila si Rita del Rosario (apo ng