cognizancejournal.com
Frinces M. Canite et al, Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies, Vol.5, Issue.5, May 2025, pg. 1155-1174
(An Open Accessible, Multidisciplinary, Fully Refereed and Peer Reviewed Journal)
ISSN: 0976-7797
Impact Factor: 5.183
Index Copernicus Value (ICV) = 77.57
©2025, Cognizance Journal, ZAIN Publications, Fridhemsgatan 62, 112 46, Stockholm, Sweden, All Rights Reserved 1155
Paggamit ng Artificial Intelligence sa
Pagkatuto ng Wikang Filipino
Frinces M. Canite
1
; Germa L. Caligtan
2
; Rialyn C. Serafino
3
;
Jesabel A. Tanas
4
; Maria Lourdes G. Eguia
5
Graduate School, Baguio Central University, Baguio City 2600, Cordillera Administrative Region, Philippines
2240915@bcu.edu.ph
1
; caligtanshin@gmail.com
2
; 2240779@bcu.edu.ph
3
;
jesabel.tanas@deped.gov.ph
4
; marialourdesgeguia@gmail.com
5
Correspondence: perfecto_lopez@yahoo.com
DOI: 10.47760/cognizance.2025.v05i05.075
Abstrak: Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy at masuri ang antas ng paggamit ng
Artificial Intelligence (AI), pagka-epektibo nito at hamon na nararanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng
AI. Ginamitan ito ng deskriptibong pamamaraan. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa San Vicente National
High School, Baguio City sa panuruang taon 2024-2025 na may kabuuang bilang na isang daan at
dalawampung (120) mga magaaral sa sekondarya na nasa ikasampung (10) baitang bilang tagatugon.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang talatanungan para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa
kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagraranggo. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng
pag-aaral: 1) Madalas na ginagamit ng mga mag-aaral ang AI sa pagkatuto sa asignaturang Filipino; 2)
Epektibo ang paggamit ng mga mag-aaral sa AI sa pagkatuto sa asignaturang Filipino; 3) at lubos na seryoso
ang hamon na nararanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI sa pagkatuto sa asignaturang Filipino.
Mula sa kinalabasan ng pagaaral, ang mga sumusunod ang naging konklusyon: 1) Madalas gamitin ng mga
magaaral ang AI, subalit ito ay nagpapahiwatig na hindi pa sila lubos na pamilyar sa iba’t ibang uri at gamit
ng AI. Bagamat ginagamit ito, limitado lamang ang kanilang kaalaman kaya hindi pa ito ganap na
napakikinabangan sa buong potensyal nito; 2) Ang paggamit ng AI bilang kagamitang pantulong sa
pagkatuto ay epektibo sa ilang aspeto. Gayunpaman, dahil kakaunti lamang ang mga AI tool na alam ng mga
mag-aaral at marami pa ang hindi pamilyar sa kanila, nagiging limitado rin ang benepisyong nakukuha mula
rito; 3) Matitindi ang mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI, kabilang na ang
panganib ng plagiarism at iba pang isyung etikal. Ang mga ito ay bunsod ng kakulangan ng sapat na
impormasyon at gabay kung paano ito dapat gamitin nang responsable at may etikal na pagsasaalang-alang.
Susing Salita: Artificial Intelligence, pagkatuto, pagka-epektibo, dalas ng paggamit, hamon