Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation, Inc. (Formerly IB Calingasan Memorial Institution, Nasugbu, Batangas) GRADUATE SCHOOL PAGE 1 Kabanata I SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO Panimula Sa mapanghamong panahon dulot ng pandemya na kasalukuyang lumalaganap sa ating bansa, maraming pagbabago ang kailangang gawin at yakapin sa panahong ito na karaniwang naiiba sa dating nakasanayan sa larangan ng eduksyon .Ayon kay Magi (2020), sa lahat ng aspeto, nagkaroon ng pagbabago, maging sa edukasyon dahil sa pag-Implementa ng gobyerno ng new normal setting. Ang kagawaran ng edukasyon ay nagbigay ng mga “Learning Modality” para sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba pang panig ng bansa.Isa dito ay ang modular distance learning , ito ay gumagamit ng printed modules upang magamit ng mga mag-aaral.Ang module ay nakalimbag o printed na materyal na katumbas ng isang aralin o leksyon sa isang asignatura. Bawat module ay self-contained na ibig sabihin, ang isang mag-aaral ay maaaring matuto gamit lamang ang module kahit hindi niya kaharap o kasama ang guro at kahit wala siya sa paaralan. Napatunayan sa pag-aaral ni Dones (2020) na sa loob ng dalawang taon hindi nahahasa ang mga makrong kasanayan na dapat taglayin ng mag-aaral.Isa ito sa naging suliranin na kinaharap ng magkaroon na ng face to face classes .