De Guzman, Leonora Patricia L. Group 5 Ang Kalagayan ng mga Dumagat ng Sierra Madre sa Kasalukuyan Baluga, negrito, unggoy. Ilan lamang ang mga ito sa mga mapang-alipustang katawagan ng mga palalo at walang alam na indibidwal sa mga katutubong Dumagat. Sa aking pagsasaliksik at personal na pakikipag-ugnayan sa Baranggay San Rafael ng Montalban (Rodriguez), Rizal upang malaman ang lugar kung saan maaring madalaw ang isang komunidad ng mga Dumagat doon, nagulat akong nang ang isagot nila sa akin ay “’Yung mga Italyano ba ang hanap mo?” Nagtaka ako at hindi ko sila kaagad naunawaan. Inulit ko na ang aking sadya ay hindi ang mga dayuhang Italyano kun’di ang komunidad ng mga katutubong Dumagat. Sabay sabat ng isang tanod na “Hindi mo alam ang Italyano? Kalahating Ita, kalahating Ilocano!” At nagtawanan silang lahat kung saan mababakas ang matinding pang-aalipusta sa mga katutubong Dumagat. Makikitang matindi pa rin ang stigma na ang mga Agta-Dumagat ay tinitingnan sa isang maka-kanluraning perspektibo—paatras ang kanilang pamumuhay, nomadik, pagano at hindi sibilisado. Bihirang maibalita sa midya ang mga katutubo tulad ng mga Dumagat. Sila ang mga mamamayang marhinalisado, tikom, walang boses, at ang mga nasa pinaka-laylayan ng lipunan. Ayon sa isang lektura ng isang taga-taguyod ng karapatan ng mga katutubong Dumagat na si Bro. Martin Fransico sa Pambansang Kumperensya ng Kasaysayan, sa kanyang matagal na pakikipamuhay kasama ang mga Dumagat ng Sierra Madre sa bahagi ng Bulacan, napag-alaman niyang hindi nomadik ang mga Dumagat, taliwas sa kaalaman ng karamihan na naipluwensyahan na ng maka-kanluraning mentalidad. Itinuturing ng mga Dumagat na ang Sierra Madre (o kung tawagin nila ay Mahabe Pagotan) ay ang kanilang mundo kung saan sila iniluwal. Samakatuwid ang Sierra Madre ay itinuturing nilang kanila at natural nilang tahanan. 1 “Sa mahabang panahon hanggang sa kasalukuyan ay tinatawag silang mga nomadic o semi-nomadic dahilan sa sila daw mga katutubong Dumagat ay palipat-lipat ng tirahan samantalang sa mahabang panahon kong paninirahan sa kanila ay hindi totoo na silay pabaya at iniiwan ang kanilang mga bahayan bagkus ay umiikol o nagpapaikut-ikot lamang sa kanilang tangi at iisang Sierra Madre.” (Francisco, 2009) Ang mapayapang pamumuhay ng mga Agta-Dumagat sa kabundukan ng Sierra Madre ay nabulabog sa pagdating ng mga dayuhang mula sa kapatagan na handing samantalahin ang yaman ng kanilang tahanan. Ito ngayon ang isa sa mga pinakamaugong at matagal nang 1 Marn Francisco, MAHABE PAGOTAN: Mga Katutubong Dumagat ng Sierra Madre, Talumpa/Lektura sa Pambansang Kumperensya ng Kasaysayan noong ika-13 ng Mayo 2009 sa Holy Angels University <hp://bsad.mulply.com/notes >.