Basic Guidelines for Radio News Scriptwring (FILIPINO VERSION) A. Una sa lahat, ang pagsulat ng balita sa radyo ay isinusulat lamang sa tagapakinig, HINDI SA MAMBABASA MAN O TAGAPANOOD. Upang mas mainndihan ang pagsulat ng balita, maaring sundin ang mga sumusunod: a. Alalahanin na ang pagsulat ng balita ay nakatuon lamang sa tagapakinig, kaya naman, ang pagsulat ay dapat malinaw at madaling mainndahan. b. Wala ni anumang salita ang mahirap bigkasin o ni nangangailangan pang salita ipaliwanag ng diksyunaryo. B. Pre-Wring Stage (Hakbang bago sumulat ng balita) a. Gumawa ng outline. Tukuyin ang mga element ng storya. Tanungin ang sarili: Sino? Ano? Saan? Kailan? Bakit? At Paano? b. Sumulat ng teaser. Ito ang gagamin mo upang bigyan ng pakim ang tagapakinig bago i-ere ang balita. Kailangang hindi hahaba kaysa sa pangungusap. c. Sumulat ng pangunahing pangungusap (lead sentence). Ito ang ginagamit upang makuha ang atensyon ng tagapakinig. Maging KLARO at MAG-INGAT sa mga salitang gagamin sa iyong unang talata. i. NEWS VALUES: 1. Prominence – Popularidad 2. Proximity – Kalapitan 3. Currency – Pinakapinag-uusapan 4. Timeliness – Pinakabagong anggulo ng istorya 5. Consequence – Kahalagahan ng pangyayari 6. Oddity – Pambihira at Di Pangkaraniwan 7. Human Interest – Apela sa emosyon ng tao 8. Change – pagbabago ng kapangyarihan/posisyon sa pamamahala 9. Drama – Misteryo, Kababalaghan, Katatawanan 10. Conflict – Awayan ng magkabilang panig d. Isulat ang katawan ng storya. Isama ang LAHAT ng mahahalagang impormasyon, bilang at PUNTO. Sa isang balitang pangradyo, karaniwang tumatakbo lamang trenta segundo (65 words) hanggang isang minuto (130 words). e. Sumulat ng kongklusyon. Saan papunta ang storya? Paano mo tatapusin ang kwento?. Kinakailangang mabanggit ang mga mahahalagang punto ng istorya. f. Kailangang MABILIS NA MATINGNAN AGAD ang script at UNAWAIN ang nilalaman. Lalo na ang tamang salitang gagamin na ANGKOP SA PANDINIG. Ipakita ang script sa copy-editor na maaring tukuyin ang mga mali sa istorya. g. Pangnan sa Time Keeper ang bilang ng salita: i. 10 seconds = 25 words ii. 15 seconds = 35 words iii. 20 seconds = 45 words iv. 30 seconds = 65 words v. 60 seconds =130 words h. Trabaho ng Copy Editor. Panalihing SARIWA. HUWAG ULITIN ang nilalaman ng teaser at lead. Ito ang kadalasang pagkakamali ng isang balita. i. Madaliing ipasa sa encoder ang pinal na balita sa computer. C. Pangkabuoang Babala sa Pagsulat ng Balita sa Radyo a. Limitahan ang bilang ng isang balita. Mas maraming bilang, mas nakakalito. b. Gawing MAS KAUNTI ang pangungusap upang mas makahinga ang taga-ulat. c. Gawing akbo ang pangungusap: “Inakyat niya ang bubungan ng mga bahay” sa halip na “Ang mga bubungan ng bahay ay inakyat ng isang tao.” d. Gawing kasalukuyan ang nagaganap na balita. Sundan ang pinakahuling kaganapan. e. HUWAG haluan ng personal na opinyon ang balita. f. HUWAG gayahin o kopyahin ang nilalaman ng bawat salitang nakapaloob sa anuman istoryang pinagmumulan ng balita.