Ang Takdang Aralin Bilang Isang Gawaing Pampagkatuto ni Michelle Alipio-Medina Ang takdang-aralin na kilala rin sa Ingles na Homework Assignment ay tumutukoy sa isang gawain na ibinibigay ng guro sa mga mag-aaral na inaasahang gagawin sa kani-kanilang mga tahanan. At karaniwang sa mga ibinibigay na takdang-aralin ay nangangailangan ng pagbabasa, pagsusulat, pagtataya at pag-eenkowd. Ibinibigay ang takdang-aralin upang matanto ng guro ang mga natutunan at mga dapat pang bigyangg diin sa paksang pinag- aaralan. Ayon sa kasaysayan, ang pagbibigay ng takdang ay nagsimula sa kultura ng America. Ngunit may panahon na inigil ng mga paaralan ang pagbibigay nito dahil nakadaragdag lamang daw sa mga pang-araw-araw na gawain. Ayon sa pag-aaral ng mga taga-Duke University, may mabung dulot sa student achievement ang pagbibigay ng takdang aralin lalo na kung tama ang dami at tama ang paraan ng pagbibigay nito. Dahil kung sobrang dami ang mga ibinibigay na takdang aralin, maaaring mauwi ito sa pagkahupa (stress), pagkapagod, at kakulangan ng panahon upang mapag-aralang mabu ang mga aralin. Makabubu rin kung ang mga takdang aralin ay iniwawasto kaagad at binibigyang diin ang mga dapat matutunan at hindi ang puntos o iskor lamang. Ang pagbibigay ng tugon o komento ng guro sa mga takdang aralin ng mga mag-aaral ay mahalaga rin upang maging malinaw sa mga mag-aaral ang mga dapat matutunan . Iminungkahi ni Cooper, ang mga ibinibigay na takdang aralin ay hindi dapat lalampas sa sampung minuto upang gawin ito. Tinawag niya itong “10-minute rule”. Mula sa pinakamababang level magsisimula ito sa paggawa ng takdang aralin na sampung minuto at habang papataas ang level ng pag-aaral ay madadagdagan ng sampung minuto ang pagsasagawa ng mga takdang-aralin. Sa huli, kailangang iangkop ng mga guro ang level, kakayahan at panahon ang mga ibinibigay na takdang-aralin sa mga mag-aaral upang hindi maisakripisyon ang mga mabung bunga nito sa pagkatuto. Sanggunian: hp://today.duke.edu/2006/03/homework.html . hp://en.wikipedia.org/wiki/Homework#cite_note-13