Ang Balanse sa Lipunan, April 2006 Laylo, Aaron G. 1 ANG BALANSE SA LIPUNAN 1 Isang Tanaw sa Sama-samang Pag-unlad at Pagkakapantay-pantay Tuwing akoǯy napapadaan sa mga lugar na may matataas na gusali at magagandang tanggapan tulad ng sa Makati o sa Ortigas, aking nasasabi sa sarili, DzUmuunlad na nga ang Pilipinas, umaahon na ang bansa.dz Pero matapos dumaan ang bus dito, makikita ko mula sa bintana ang mga batang gusgusin na namamalimos at ang batang nanay na nagpapasuso sa kanyang sanggol habang umiiyak ang isa pang anak sa tabi (at marahil walang padre de pamilya). Sa pagtanaw sa mga larawang ito, masasabi pa nga bang umuunlad ang Pilipinas?Maliit na tanawin lang ito sa kahabaan ng EDSA o sa maraming bahagi ng Kamaynilaan. Paano pa kaya ang mga nasa kanayunan? Ang distribusyon ng yaman sa bansa ay hindi pantay. Kung kaya, bagamat patuloy ang lokal at dayuhang pamumuhunan sa bansa ngunit hindi naman naibabahagi sa lahat ang mga yamang nakukuha mula sa mga ito sa pamamagitan ng mga buwis, hindi sabay-sabay ang kaunlaran. Ayon sa World Development Report 2006, kung sabay-sabay ang pag-unlad ng mga sektor ng lipunan, mas mabilis ang pag-usad ng ekonomiya at malaki ang posibilidad na maabot ang mas malaking kaunlaran. Sa kaso kasi ng Pilipinas, sadyang napakalaki ng agwat ng mga dukha sa nakaaangat sa lipunan. Ang isang pamilya, halimbawa, ay pinagkakasya ang isang instant noodles para sa sampung supling habang ang isang pamilyaǯy tig-iisa sa bawat instant noodles. Malaking pagkakaiba. Malaking agwat. At malaking hindi pagkakapantay. Hindi patas. Hindi balanse. Ang pagsugpo sa hindi pagkakabalanse sa lipunan ay nangangailangan ng pagsugpo muna sa kahirapan. Nangangailangan ng komprehensibong reporma sa mga serbisyo kung saan mabibigyang tugon ang mga pangunahing hinaing ng mga mahihirap. Poverty reduction and alleviation ang nakikitang sagot ng pamahalaan dito. Sa mga programang ipinatutupad ng bawat administrasyon sa anyo ng Social Reform Agenda, Erap para sa Mahirap, Kapit Bisig Laban sa Kahirapan, iisa ang layunin ng pamahalaan, ang mabawasan at tuluyang sugpuin ang pinapasan ng mga maralita. Tinitignan ng programa kung paano mabibigyan ng magandang kabuhayan ang mga nasa kanayunan, maparami ang mga trabaho para sa karaniwang mamamayan, at mabigyan ng sapat na suporta ang kababaihan at kabataan. Sa edukasyon, halimbawa, may mga mahihirap na estudyanteng may sapat na talino subalit hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral nang maayos dahil sa kakulangan sa materyal sa pag-aaral, pamasahe, at ang hindi pagkakatutok ng guro sa mga aralin para sa bawat estudyante dahil sa malaking populasyon sa klasrum (karaniwan sa pampublikong paaralan ay may 1 guro para sa 75 estudyante). Kung may sapat na serbisyong pangkalusugan, makapagtatrabaho nang mahusay ang magulang sa halip na mahirata sa banig ng karamdaman o kayaǯy alagaan ang maysakit na anak.Kung laging ganito ang hinaharap ng mahihirap araw- 1 This essay won the top prize in the Filipino category of the Essay Competition in the 2006 Panibagong Paraan (Development Innovation Marketplace) by World Bank Philippines.