Pinagmulan ng Daigdig Ayon sa Bibliya Ayon sa mga mito o Alamat Ayon sa Agham (Mga Teorya Tungkol saPinagmulan ng Daigdig) Ayon sa Bibliya… Creation Myths – mga paniniwala at salaysay ukol sa bagay-bagay Creationism – sistema ng paniniwala na ang lahat ng mga bagay at materyal sa kalawakan ay nilikha ng isang diyos. Ang paglikha ay sa pamamagitan ng pamamaraang: kahima-himala (supenatural), makadiyos (theistic), at maalamat (mythological). Ayon sa creationism, ang mundo ay ginawa diumano ng Diyos sa loob ng anim na araw lamang Ang mga ito ay literal na halaw sa aklat ng Genesis ng Bibliya. Monotheism – paniniwala sa iisang diyos. Ayanimism – pagsamba sa mga espiritung naninirahan sa kalikasan. James Ussher – isang arsobispong Anglican ng Armagh sa Ireland; ipinahayag niya noong 1650 na ang paglikha ay naganap noong 4004 B.C.E. Ito y batay sa kanyang pagtutuos ng numerolohiya sa Lumang Tipan o Old Testament ng Bibliya. Ang kanyang kalkulasyon ay ginawa pang mas tiyak ni Dr. John Lightfoot, ang Master ng St. Catherine’s College sa Cambridge, England. Ayon sa kanya ang araw ng paglikha ay naganap noong ikasiyam ng umaga ng Oktubre 23. Ang kalkulasyong Ussher – Lightfoot ay nagsasaad na ang mundo ay 6,000 taon pa lamang. Ang mga fossils na natagpuan ay tumataliwas sa paniniwalang ito Diluvial Theory – sinubukang sagutin ng teoryang ito ang ukol sa mga fossils. Alinsunod sa teoryang ito, ang mga fossil ay walang iba kundi ang mga labi ng mga hayop na namatay bunsod ng malaki at malawakang pagbaha. George Cuvier – tinalakay niya sa kanyang Catastrophe Theory ang mga nakabaong fossil sa iba’t ibang magkakapatong na sedimentaryo ng bato. Sa pagkamatay ni Cuvier, ilang kalkulasyon ang ginawa upang tukuyin ang tumapk na bilang ng mga kalamidad at mga kasunod na kaganapan sa paglikha ng Diyos. Sinasabing may naganap na 27 magkakasuno na paglikha; ang iba naman ay umabot sa 32 paglikha. Ayon sa Bibliya… James Hutton – ayon sa kanya, ang mga pwersang humubog sa daigdig sa nakaraan ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang kanyang kaisipang Uniformitarianism ay nailimbag sa akdang Theory of the Earth noong 1795. Noong lumaon, sinusugan ni Charles Lyell ang teoryang ito sa kanyang akdang Principles of Geology noong 1830.