KABANATA 1 ISANG PAGTITIPON Sa pagtatapos ng Oktubre 1 , si Don Santiago delos Santos, na kilala sa tawag na KapitanTiyago 2 , ay nagkaloob ng isang hapunan. Kahit na laban sa kaniyang kinaugalian ay noon lamang niya ipinaalam, na naging dahilan nang usap-usapan sa Binondo 3 sa iba pang distrito, at maging sa loob ng nababakurang lunsod ng Maynila . 4 Nang panahong iyon si Kapitan Tiyago ay kilala sa karangyaan, at ang kanyang bahay ay katulad ng bayan, na hindi marunong magsara ng pintuan sa sinuman, maliban sa kalakalan o sa lahat bago o mapangahas na kaisipan . 5 Katulad ng koryente, ang balita ng paanyaya ay mabilis na nakarating sa daigdig ng mga parasitiko, langaw o sampid na dahil sa hindi maubos na kabaitan ng Diyos, ay dumami ng labis-labis sa Maynila . 6 Ang ilan ay humanap 1 MGA PALIWANAG SA KABANATA Ang unang talata ng Noli na tumutukoy sa panahon ng panimula ng nobela na itinaon sa pagtatapos ng Oktubre ay katulad ng nasa The Wandering Jew ni Sue. Tiniyak ni Sue ang taon na 1830 at sa Noli ay hindi. Sa pag-aaral sa panahunan ng Noli ay waring tumutugma ito sa petsang Oktubre 31, 1882 hanggang sa kamatayan ng isa sa pangunahing tauhan ng nobela na Disyembre 25, 1882 . Maaring ang ginamit ni Rizal na reperensiya sa taong 1882 ay ang pagbabalik sa Pilipinas ng isang intilekwal na Pilipino sa katauhan ni Gregorio Sancianco na sumulat ng aklat na Progreso de Filipinas . Higit pang ipapaliwanag sa mga talababa sa mga susunod na pahina ukol sa aklat na Progreso ni Sanciangco. Sa kabilang dako kahit na ito ay waring naganap sa taong 1882 ay nagpasok din si Rizal ng mga historikal na kaganapan sa Pilipinas na sumasakop mula sa taong 1880-1886. 2 Bakit tinawag si Santiago de los Santos na Kapitan Tiyago? Sa panahon ng Espanya, ang pamamahala ng pueblo ay nakalaan sa mga katutubong Pilipino na tinatawag na gobernadocillo o tinatawag din na capitan. Tinawag siyang Kapitan Tiyago dahilan sa namuno siya ng isang distrito ng mga mestiso sa Kamaynilaan. Subalit, ang pangalang Santiago de los Santos ay mayroong simbolikal na kahulugan , Matutunghayan ito sa mga anotasyon sa Kabanata 6. 3 Ang tunay niyang kaugalian ay palaging maaga sa pagpapabatid sa kaniyang mga isinasagawang kasayahan. Ang pagtitipon na ito sa nobela ay ginawa ng biglaan. 4 Ang Maynila sa panahon ng mga Espanyol ay limitado lamang sa nababakurang distrito ng Intramuros. 5 Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay itinulad ni Rizal sa Pilipinas na bukas sa mga interesadong dayuhan, ngunit hindi sa sariling komersiyo, na siyang dahilan kung bakit ang ekonomiya ng bansa magmula pa sa panahong ng Espanya ay kontrolado ng mga dayuhan (Ongoco). Nagkasya ang mga Pilipino na maging mga kasosyo at empleyado lamang ng mga dayuhan mamumuhunan at hindi mga tunay na may-ari ng negosyo na sana ay nagligtas sa ating bayan sa kuko ng kahirapan. Isa pang katangian ng Pilipinas ay ang hindi nito bukas sa mga makabago at mapangahas na kaisipan. Ginamit ni Rizal na pambungad ang nasabing mga salita dahilan sa ang kaniyang nobela ay isang mapangahas na akda na susuri sa kabuuan ng lipunang Pilipino, sa kahinaan ng kolonyal na pamahalaan at isang pagbubunyag sa kahinaan ng kolonyal na simbahan . 6 Sa huling tatlong dekada ng pananakop ng Espanya ay dumating sa Pilipinas ang maraming mga Espanyol na nandayuhan para maghanap ng oportunidad pangkabuhayan. Karamihan sa mga Espanyol na ito ay na-empleyo sa tanggapan ng pamahalaang kolonyal (Robles. The Philippines in 19 th Century). Ang ganitong patakaran ng Espanya ay mababakas hanggang ngayon sa mga tanggapan ng pamahalaan na ang nakapuwesto ay mga kapartido ng mga nagwaging pulitiko .