MARTINEZ 111 Isang Pag-aaral sa Konteksto at Katangian ng Kasiyahan ng mga Kabataan* Carmelo L. Martinez, SDB Don Bosco Technical Institute Makati City Abstrak Gamit ang mga kwalitatibo’t katutubong metodo ng pananaliksik, natukoy sa pag- aaral na ito na ang kasiyahan ng mga ka- bataan ay nabubuo sa loob ng kanilang mga interaksyon lalu na sa pamilya, barka- da at organisasyon o samahang kinabibi- langan. Nakita ring may dalawang anyo ang kasiyahan—ang panloob na damda- min at panlabas nitong pagpapahayag. Sinuri rin ng pananaliksik ang mga kon- septo ng loob, kapwa at sarili at ang papel nitong ginagampanan sa mundo ng dam- damin ng saya ng mga kabataang kalahok. * Ang papel na ito ay batay sa pang-gradwadong pananaliksik para sa kursong Mastera- do sa Agham sa Sikolohiyang Panlipunan at Kalinangan (M.S Social and Cultural Psy- chology), iniharap sa Departamento ng Sikolohiya, Pamantasang De La Salle, Maynila (DLSU- Manila) Nobyembre 2002.