1 KABANATA I A. Panimula Hindi mawawala sa buhay ng isang estudyante and pagsali sa iba’t- ibang organisasyon lalo na kung ang mga ito ay parte ng kanilang gawaing pampaaralan. Mayroong iba’t-ibang organisasyong inihahandog ang bawat paaralan upang ang mga estudyante ay makapamili ng nais nilang salihan. Mayroong mga samahan sa paaralan na tumutukoy sa mga akademikong paksa at mayroon din namang ukol lamang sa mga pansariling interes gaya ng pag-awit o pagsayaw. Marapat na pag-isipang mabuti ang desisyon sa pagsali sa mga ito. Dapat na maging handa ang mga mag-aaral sa pagsali sa mga organisasyon. Kailangang may mailalaan silang panahon upang maging parte sa mga aktibidad ng organisasyon. Dahil dito, nadadagdagan din ang kanilang mga responsibilidad lalo na kung sila ay naihalal ng ibang miyembro sa mga matataas na posisyon. Sa pagtaas ng posisyon ay siya ring pagbigat ng kanilang tungkulin na maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral lalo na kung kadalasang may mga gawaing dapat ihanda o tapusin. Kailangang maglaan ng sapat na panahon upang maisagawa ang mga gawain ng organisasyon. Dahil dito, napagpasiyahan ng mananaliksik na magsagawa ng pananaliksik ukol sa epekto ng pagkakaroon ng mataas na posisyon sa