Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-maestra sa panikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na: “ Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o pinturang nagsasabi sa m á nangyari nang unang panahón sa imperyo n Gresya, at nulâ g̃ g̃ n isáng matuwaín sa bersong Tagálog. g̃ ” Isa itong mahabang tulang inuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido[1] (corridos[2]) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto[3] at pilologo[4] [5] Kasaysayan Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.[5] Unang Paglimbag Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa natawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.[5] Nalilimbag ang pamagat ng bersiyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay:[5] PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA CAHARIANG ALBANIA. QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG UNANG PANAHON SA IMPERIO NANG GRECIA. at nula nang isang matouain sa versong tagalog.