Wastong Gamit: Gitling PAGGAMIT NG GITLING(-) Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon: A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pang ng salitang-ugat. Hal. araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa kanig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa panig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan Hal: mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama. Hal: pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito. Hal. dalagangbukid (isda) buntunghininga D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling Hal: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Anque mag-pal maka-Johnson mag-Sprite mag-Corona mag-Ford mag-Japan