Tri-essay on Rizal@150 by: Marian A. Caampued Mabuhay (Lingguhang Pilipino sa Bulacan) ISSN-1655-3853 Papparappappap, Joe Ko’to 04-10 May 2012 v. 35 # 19 Rizal, Magulang ng Bayan 27 Apr. – 03 May 2012 v.34 # 18 JPR, Piso na Lang 20-26 Apr. 2012 v. 33 #17 1 Pap parap pap pap … JOE ko ‘to! Huli sa Tatlong Bahagi MABUHAY Lingguhang Pilipino sa Bulacan 04-10 Mayo 2012 v. 35#19 ISSN – 1655- 3853 Marian A. Caampued Isa sa mga kontemporaryong aklat hinggil sa ang mga bayani ang Love, Passion and Patriosm (Sexuality and the Philippine Propaganda Movement, 1882-1892, Raquel G. Reyes, 2009). Sa librong ito, pinagtagumpayan ni Reyes ang suriin ang konteksto ng ang mga bayani sa kilusang propaganda batay sa tago at di pa masusing napag-aralan, ang pag-ibig at sekswalidad. Sa buong libro, mahahagip nan ang ang mga propagandista bilang mga ordinaryong kalalakikihan; malayo sa kanilang mga pormal na sulan at mga naging kontribusyon sa bayan – nagkakagusto, may kakulitan, napapahamak. Sa dalawang huling tsapter, may pagpokus si Reyes kay Jose Rizal at sa maaring posisyon nito hinggil sa pangkalusugang pangreproduksyon.