1 Sa Likod ng mga Ngiti ng Isang Pilipino: Isang Sosyal na Imbestigasyon Morales, Efraim D. Prof. Jun Cruz Reyes BA History 3-1 03. Oct. 14 Kilala ang mga Pilipino sa pagiging palangiti. Hindi matatapos ang isang buong araw nang hindi makakalimutang ngumiti ng isang Pilipino. Kelan at papaano dumating sa mga Pilipino ito? Hindi ko alam. Ano nga ba ang ngiti at ang ngiting Pilipino? Anu-ano ang dahilan ng ating pagngiti? Ito ang tanong na sa tingin ko ay kaya kong sagutin. Ang ngiti ang isa sa mga pinapakitang ekspresyon ng ating mukha na ginagamit natin sa ating buhay, sa trabahao, mga kaibigan at iba pa. Tayo ay ngumiti sa iba’t ibang mga kadahilan o dahil sa mga pangyayari sa ating buhay. Ayon kay Paul Ekman sa kanyang libro na Emotions Revealed, ang pagngiti ay isang paraan ng mga tao upang ipakita ang kanyang nararamdaman o upang itago ito. Ang ginawa niyang mga pag-aaral kung saan nalaman niya na ang pangiti at ang ilan pang ekspresyon na ipinapakita ng ating mukha ay universal, dahil ito ay tinataglay ng lahat ng tao na nagging parte ng proseso ng ebolusyon. Sang-ayon ito sa ginawang pag-aaral ni Charles Darwin sa kanyang librong On The Origin of Species. Dahil ang pagngiti ay may kahalagahan sa lipunan ayon na rin Birdwhistell, dalubhasa sa cultural anthropology ay psychology, ito ay produkto ng pagkatuto kaya magkakaiba ang dahilan ng pagngiti sa iba’t ibang kultura sa mundo. Ito ay itinatakda ng ideya ng display of rules kung saan dahil ito ay natutunan sa iba’t ibang lipunan na mayroong iba’t ibang kultura, mayroong pamantayan ang bawat lipunan na ito kung ano at papaano nila ipapakita ang mga ekspresyon na ito, ang pangiti halimbawa. Ang mga pamantayan na ito ang magdidikta sa atin kung ano ang kailangan nating ipakita, itago o pagtakpan ng ating mga nararamdaman. Ayon sa ginawa kong sosyal na imbestigasyon, itinatago ng mga maraming Pilipino sa pamamagitan ng pagngiti ang kanilang negatibong nararamdaman tulad ng paghihirap o kahirapan, kamangmangan, kahihiyan at iba pa ayon sa lipunang Pilipino.