KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Sa saligang batas ng 1986, ang wikang pambansa ay itinadhanang tatawaging Filipino gaya sa nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Habang nililinang ito, ito rin ay dapat na payabungin at pagyamanin. Alinsunod sa batas, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974), nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong baylingwal. Ngunit sa malawakang pag-usbong ng siyensiya at teknolohiya, hindi maaaring mag-isa ang ating wika na hindi naiimpluwensyahan ng wikang dayuhan. At isa sa pinakagamit na wikang dayuhan ay ang wikang Ingles. Dahil may mga Pilipinong bihasa at hirap sa paggamit ng wikang dayuhan ay nagkakaroon ng pagbabago sa wikang nakagisnan para makasabay sa umuusbong na pagbabago ng lipunan. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng mga salitang hiram, likas, hango, likha at teknikal. Ang mga mananaliksik ng pamanahong-papel na ito ay naniniwala na ang pag- aaral na ito ay napakahalaga para malaman at malutasan kung anong mga teknikal na 1