Carmela F. Memis BALITANG PAMPALAKASAN Ang pahinang Pampalakasan ay may malakas na dating sa malaking bilang nang mga mambabasa. Ito ay bahagi na ng kasiglahan ng buhay sa mataas na paaralan. Katuturan Ang balitang pamapalakasan ay ang natatanging balita ukol sa ibat-ibang uri nang laro na batay sa tuwirang balita, karaniwang nasusulat sa paraang aksyon. Pamamahala sa Balitang Pampalakasan 1. Magkaroon ng maayos na paglalarong pampalakasan. 2. Makapag-ambag tungo sa pagiging maginoo. 3. Hikayatin ang paglalathala ng balitang pampalakasan na makapagbigay ng kalutasan upang maipabatid ang mga pangyayari para sa interes ng mga mambabasa. 4. Magkaroon ng ibat-ibang materyales hinggil sa mga pangyayaring pampalakasan. 5. Maglathala ng paunang balita. 6. Gumamit ng mga karikatura, mga larawan at mga ilustrasyon. 7. Kung ito ay mahalaga, buuin ang balita sa pahinang nakalaan ditto at bigyan-diin sa “pangmukhang pahina.” 8. Habang naglalaro ng pangunahing “sports” tulad ng basketball, football at softball, huwag kaliligtaan ang iba pang balita ng pampalakasan tulad ng tennis, swimming, bowling, ping-pong, badminton, boxing at wrestling. Kalikasan ng Balitang Pampalakasan 1. Ito ay tulad din ng mga pangkalahatang balita na kinakailangan ng katumpakan, organisasyon, kaigsian at mabuting pagsulat. Ang “5N’s”, at ang “H” ng balitang pamatnubay na pangungusap ay matatagpuan din sa pampalakasang pamatnubay na pangungusap. 2. Pangunahing naglalarawan ng aksyon. Ito ay karaniwan nang nakasentro sa tunggalian.