K A G A W A R A N N G K A S A Y S A Y A N “Kristo: Ang pagsasabuo ng tagapagtaya sa Sabungan” Ni: John Mathew C. Macasadia BA History 3-1 Cultural History of the Philippines Prof. Jun Cruz Reyes Panimula Ang Sabong o “cockfighting” sa wikang Ingles ay isa sa paboritong laro at aliwan ng mga Pilipino. Maari itong maikumpara sa bullfighting, na paboritong aliwan ng mga Kastila. Ang sabong ay ay isang laro sa pagitan ng dalawang magkalaban na tandang. Matatapos lamang ang laro kung ang isa sa mga tandang ay namatay na o tumakbo papalayo. Ang mga Sabungan sa alinmang bayan o lungsod ay isa sa mga pangunahing pook-libangan. Ayon sa ilan, ang larong Sabong ay isang bakas ng sibilisasyon ng mga sinaunang tao, subalit kung saan at paano nagsimula ang larong ito sa Pilipinas ay hindi matiyak. Ngunit, ang isa sa mga importanteng tauhan ng sabong ang siyang hindi pa nabibigyan ng pansin at ito ang Kristo. Ano ang Kristo? Sa sabungan, mayroong tao na humahawak sa taya ng mga sugalero, at ito ay ang kristo. Ang mga tao na ito ay may angking galing sa pagkakabisado sa mga sugalero na tumataya sa kanya. Matalino din sila sa pagkakalkula sapagkat nabibilang nila ang mga pusta ng walang labis at walang kulang. Marami sa mga sabungan ay ninais na baguhin ang tawag sa kristo at palitan ito ng tagapagtaya. Ilan sa mga sabungan ay naglalabas mga ID upang mapatupad ito. Ngunit, ang mga tao ay patuloy pa rin ang pagtawag sa kanila ng kristo sapagkat ito ay kanilang nakasanayan at parte na ito ng tradisyon sa loob ng sabungan. 1 Marami sa mga kristo ang may kakayahang makakuha ng sampo (10) o higit pang pusta sa isang laban mula sa iba’t-ibang tao, magkakaibang halaga at hindi pare-pareho ang 1 Hidalgo, Antonio A. Travesia Tips and Cockpit Stories. 2001. p.23 1 | Page