KABANATA 3 METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK Sa kabanata ng metodolohiya makikita ang maikling paliwanag ukol sa paraan o “strategy” ng pagsulat ng riserts kung ito ay: a. Pangkasaysayan (Historical) b. Eksperimental (Expiremental) c. Palarawan (Descriptive) d. Kaso (Case Study) e. Serbiyon (Survey) f. Pagsubay-bay na Pag-aaral (Follow-up Studies) g. Pagsusuri ng Dokumento h. Kalakarang Pagsusuri (Trend Analysis) Ang susunod na bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik bago dumako sa pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey ay pagbubuo ng disenyo ng pananaliksik. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga konsepto at mga yunit ng matalinong pagpili ng angkop na metodong gagamitin, populasyon, respondent at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos, kaakibat rin nito ang pagsukat sa usapin ng balidad at relayadibilidad at ang mga pamamaraang ginamit upang makita ang kahusayan ng pananaliksik. A. DISENYO NG PANANALIKSIK Nililinaw dito kung anong uri ng pananaliksik ang pinag-aaralan B. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS E. ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS Laging tandaan na sa seksyon ng metodolohiya, ipinaalam sa mga mambabasa kung ano ang ating ginawa. Anumang pagkakamali o kakulangang natuklasan sa pagsasagawa ng riserts ay dapat bigyan ng kaukulang pansin, at anumang resulta dala ng limitasyong ito ay dapat maitala nang buo.