Methodolohiya Ang mga mananaliksik ay pumunta sa iba't ibang tindahan ng mga street foods. Nakita nila na meron din namang mga tindahan na inilalagay nila sa tamang lalagyan at tinatakpan ang mga pagkaing kakaluto lang. Pero, karamihan pa rin ng mga tindera ay hindi tinatakpan ang kanilang mga bilihin kaya ito ay "naeexpose" pa rin sa dumi at alikabok na dulot ng polusyon. Gumawa rin ang mga mananaliksik ng isang surbey, na may katanungan na kung kumakain ba sila ng street foods at kung sa tingin ba nila ay siguradong malinis ang mga ito. Gumamit din ang mga mananaliksik ng mga artikulo mula sa internet pang-dagdag detalye at pangsuporta sa mga impormasyong nakuha. Saklaw/Delimitasyon Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay lamang sa mga street foods na matatagpuan sa Pilipinas. Nakapaloob dito ang iba't ibang uri ng mga pagkaing ito at ang tamang paghahanda sa mga ito. Binibigyang-diin ng mga mananaliksik ang tungkol sa kalinisan ng mga produktong ito, ang mga sakit na maaaring makuha sa pagkain ng street foods. Daloy ng Pag-aaral Dahil maliit lang ang kapital na kailangan sa pagbebenta ng street foods maraming tao ang nagnenegosyo nito. Tinatalakay rin dito ang iba't ibang uri ng mga ganitong klaseng pagkain. Ang isyu na hinaharap ng mga tindera ng street foods partikular na ang kalinisan ng kanilang mga binebenta. Isa pa sa tinalakay dito ay ang mga paraan para mabawasan ang problema sa sanitasyon. Una, tinalakay namin kung bakit maraming tao ang nag-nenegosyo ng street foods. Ikalawa, ang iba't-ibang uri ng street foods. Ikatlo, ang maling paraan ng paghahanda ng mga ito. At ang panghuli, mga paraan upang mabawasan ang problema sa sanitasyon. Posted by -playmates- at 12:21 AM 4 comments: II. Introduksiyon sa paksa Ang Street Foods ay ang mga pagkaing nilalako sa kalye. Hindi maipagkakaila na ang mga Pilipino ay hindi lang tatlo sa isang araw kung kumain, minsan pa nga ay apat hanggang anim, kaya siguro ang pagkain ng mga 'street foods' ay naging parte na ng ating kultura. Naging kaugalian na rin ng mga Pinoy ang pagkain ng merienda, kaya naman kadalasan ay makikita mo ang mga 'street foods' sa mga palengke o di kaya sa tapat ng mga paaralan. Naging parte na ito ng ating kultura, dahil karamihan sa mga pinoy ay gustong-gusto ang pagkain ng mga kakaibang pagkain. At siyempre dahil sa ito ay mura na at masarap pa. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga ito, ay meron pa ring mga isyu na ibinabatikos sa pagkain nito. Ilan na rito ay ang kalinisan o sanitasyon at kaligtasan o kasiguraduhan na walang makukuhang sakit sa pagkain ng mga 'street foods.'