Tomo 1, Bilang 2 | Setyembre 2012 183 JIAMRATTANYOO: Ugnayang Tsina-Timog Silangang Asya Saliksik E-Journal Rebyu Tagliacozzo, Eric at Wen-Chin Chang, mga pat. 2011. Chinese Circulations: Capital, Commodities, and Networks in Southeast Asia. Durham: Duke University Press. KAPITAL, KOMODITI, AT NETWORK SA UGNAYANG TSINA-TIMOG SILANGANG ASYA * Arthit Jiamrattanyoo Department of History University of Washington - Seattle Matiyagang pinangunahan ni Wang Gungwu, kilalang iskolar ng mahigit sa kalahating siglo, ang pag-aaral sa mga Tsino sa ibayong dagat o Tsinong Dzdiasporadz [salitang tinitingnan ni Wang (Malvezin 2001) bilang mali at nakakalinlang] at ugnayang Tsina- Timog Silangang Asya na pinalawak at pinaunlad ng mga iskolar mula sa iba’t ibang disiplina noong mga nakaraang dekada sa aspeto ng teoretikal o paradigmatikong balangkas at saklaw ng pagsisiyasat. Nag-aambag ang koleksyon ng mga sanaysay na ito sa dalawang aspeto ng naturang larangan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga kontrata, transaksyon, at transmisyon ng iba’t ibang komoditi sa pagitan ng Tsina at Timog Silangang Asya sa longue durée. Ang natatanging katangian nito, marahil pinakamatagumpay na sa mga umiiral na mga pag- aaral, ay isinagawa ito ng maayos at sistematiko sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga komoditi bilang sentral na pokus ng buong bolyum at pagkategorya sa lahat ng sanaysay nang sunud-sunod ayon sa kronolohiya batay sa Teoretikal/Longue Durée, Prekolonyal, Maagang Kolonyal, Mataas na Kolonyal, at Postkolonyal na panahon, kung saan may apat na sanaysay bawat isa ukol sa iba’t ibang kalakal o elemento. Ginawa ang halaga ng mga komoditi bilang pokus sa bawat salaysaying istruktura sa pamamagitan ng natatanging pananaliksik sa mga sosyo-kultural na talambuhay ng mga bagay lalo na nina Arjun Appadurai (1986) at Igor Kopytoff (1986). Sa pamamagitan ng