Ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa pambansa at panlipunang paglaya September 23, 2013 Luis Jalandoni, Chief International Representative, NDFP National Democratic Front of the Philippines Ang sambayanang Pilipino, tulad rin ng iba pang inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan ay naghahangad ng tunay na demokrasya, pagpapasya-sa-sarili at paglaya. Ang malalim na hangaring ay ipinamamalas sa mahabang tradisyon ng pakikibaka laban sa dayuhan at lokal na mga mapang-api at mapagsamantala. Sa loob ng 333 taon ng kolonyal na paghahari ng Spain sa Pilipinas, mula 1565 hanggang 1898, mahigit 200 pag-aalsa ang inilunsad ng sambayanang Pilipino. Nag-alsa sila laban sa pangangamkam ng lupa, sa pagpapataw ng tributo, pwersahang paggawa at sapilitang pagrerekluta sa aramdong pwersang Espanyol. Ang mga pag-aalsa ay mayroong iba't ibang saklaw at haba. Ang pinakamahaba ay ang 85 taong armadong pag-aalsa ng mamamayan ng Bohol mula 1744-1829. Rumurok ang natipong rebolusyonaryong tradisyong ito sa armadong pakikibaka para sa kalayaan na inilunsad ng proletaryong lider na si Andres Bonifacio noong 1896. Ang mga tagumpay sa papabagsak nang kapangyarihang Espanyol ay nagresulta sa proklamasyon ng Republika ng Pilipinas noong 1898, ang kauna- unahan sa buong Asia. Subalit buong lupit na niligis ang tagumpay na ito ng imperyalismong US na naglunsad ng gerang agresyon mula 1899 hanggang 1913 na naging sanhi ng pagkamatay ng mahigit isang milyong Pilipino na halos ikalimang bahagi ng kabuuang populasyon. Ang henosidyong ito ang naging batayan ng 48 taon ng kolonyal na paghahari na sinundan pa ng mahigit anim na dekada ng neokolonyal na dominasyon ng US sa Pilipinas. Ang malalim na hangarin para sa kalayaan at pagpapalaya ay hindi napawi. Sa ilalim ng proletaryo rebolusyonaryong pamumuno, naglulunsad ng rebolusyonaryong pakikibaka simula pa noong 1968 ang mga manggagawa at magsasaka, ang kababaihan at kabataan, ang mga pambansang minorya, ang maralitang lunsod, 1 of 5 http://philippinerevolution.net