Sanhi ng pagging late ng mga mag-aaral sa klase (http://colombierebears.jimdo.com/2011/01/31/karaniwang-maling-gawi-sa-pag-aaral/) Mahigit kumulang isang buwan na lamang ay magtatapos na naman ang isang taong pag-aaral at marahil, marami sa atin ang kailangang bumawi upang makapasa o kaya ay makamit ang inaasam na target grade. Upang magawa ito, kinakailangan nating malaman ang ating mga pagkakamali sa ating nakasanayang gawi sa pag-aaral. Nakalahad sa artikulong ito ang sampung karaniwang pagkakamaling gawi ng isang estudyante. Una ay ang madalas na pagliban at ang pagiging huli sa klase. Ito ay isa sa mga karaniwang pagkakamali ng mag-aaral at hindi maiiwasan (Rockler-Gladen, 2008). Kung nais nating tumaas ang ating grado, kailangang tayo ay nasa loob ng klase upang mas maintindihan ang ating mga leksyon. Pangalawa ay ang hindi pagkopya ng leksyon at mga importanteng sinasabi ng guro. Sa kasamaang-palad, marami na ngayong estudyante ang hindi kumukopya ng leksyon. Kailangang matutunan nating makinig sa mga sinasabi ng mga guro at kumuha ng masusing tala (Rockler-Gladen, 2008). Pangatlo ay ang tamang paggamit ng ating oras. Dahil madami tayong responsibilidad katulad ng pagiging miyembro ng mga klubs at mga organisasyon na minsan ay sumasabay sa ating responsibilidad bilang mag- aaral, kinakailangang matutunan natin na hawakan nang maayos ang ating oras. Pang-apat ay ang pagpapaliban ng ating mga gawain hanggang sa huling minuto. Talagang mapupuna kung ang isang aktibidad ay ginawa lamang ng mabilisan sapagkat maaaring may mga pagkakamali na hindi natin naiwasto dahil sa pagmamadali o kaya naman talagang hindi na naging maayos ang ating pagkagawa at wala na tayong panahon para ayusin ito. Kung gusto natin ng kaaya-aya at maayos na resulta, kailangang bigyan natin ito ng karampatang oras o panahon upang makapagsaliksik bago gawin ang atas. Panglima naman ay ang kraming. Konektado din ito sa pang-apat na takda sapagkat ito ay ang pagpapaliban ng mga gawain na iniatas sa atin. Ang kakayahan na magpokus sa isang gawain ay isang kahusayan lalo na sa dami ng mga nakapaligid na maaaring umantala ng ating mga gawain tulad ng mga laro at paggamit ng Internet tulad ng Facebook at iba pa (Rockler-Gladen, 2008). Pang-anim ay ang kabiguang basahin ng maayos ang panuto at ang di pagsunod dito. Dapat pakinggan ang guro habang nagpapaliwanag at kung hindi maintindihan magtanong agad upang maging tama ang gagawin. Kadalasang nagiging mababa ang resulta ng grado dahil lamang sa hindi pagsunod sa panuto. Pampito ay ang pag-asa sa ibang kaklase. Hindi naman masama magpatulong kung hindi natin maintindihan ang leksyon ng guro ngunit huwag tayo palaging umasa sa iba sapagkat may mga pagkakataon na wala sila o kaya ay hindi rin nila alam ang sagot o di kaya may ibang pinagkakaabalahan at walang panahon na turuan tayo. Dapat matutunan nating mag-aral ng mag-isa at kung nahihirapan talaga ay maaari naman tayong magpaturo sa ating mga guro o nakatatandang kapatid na napagdaanan na ang leksyon. Pwede rin naman tayong sumali sa pangkatang pag-aaral para may matutunan sa iba at maaari pa nating maibahagi ang ating kaalaman sa kapwa natin mag-aaral (Rockler-Gladen, 2008). Pangwalo ay ang pag-asa natin sa Internet. Sa kasalukuyan, tayong mga kabataan ay umaasa na lamang sa Internet sa ating paggawa ng takdang-aralin at pagsasaliksik. Tandaan natin na hindi lahat ng nahahanap na artikulo sa Internet ay wasto at tama. May mga iba na kulang ang ibinibigay na imformasyon o sadyang mali upang makapanlinlang ng iba. Dapat may iba tayong sanggunian tulad ng mga libro upang masiyasat natin ang imformasyon na nakuha natin sa Internet. Pangsiyam naman ay ang panunulad o mas kilala sa terminong Ingles na plagiarism. Ito rin ay konektado sa pangwalong takda sapagkat madalas nagagawa ang panunulad sa pamamagitan ng pag-copy paste ng sagot na hindi nilalagay ang sanggunian nito. Huwag natin kalimutang banggitin ang mga sanggunian na ginamit natin at i-rephrase ang talata bago ipasa sa guro. Ang panunulad ay isang uri ng pandadaya at pagnanakaw sapagkat inaangkin natin ang ideya na hindi naman tayo ang nakabalangkas.