Polusyon—ano ba ito? Hindi gaanong problema yan. Ito ay maaaring maging reaksiyon ng mga makabagong bansa ngayon. Marahil ay tama sila. Ano nga ba naman ang ginagawa ng kanilang maunlad na kaalaman sa teknolohiya at agham? Na patuloy parin sa pagtuklas ng mga makabagong paraan sa lalong ikauunlad at ikagagaan ng ating mga Gawain. Subalit sa ating pagunlad na ito, lubha ngang nakakaligtaang pangalagaan ang ating kapaligiran. Isang halimbawa na rito ang pagkakaimbento ng sasakyan . Oo nga’t nakakapagbigay ito ng kaginhawaan sa pagbibiyahe, subalit sa pagdami nito, mabilis ding lumalala ang suliranin ng polusyon. Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran o, sa iba pang kahulugan, kadumihan ng kaisipan . Sa pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusyon ng hangin at polusyon ng tubig. Hindi magtatagal ay maaaring hindi na matirhan ang mundo, maaaring malapit ng magunaw ito. Hindi dahil sa mga bagyong dumaraan sa atin o sa mga lindol na ating nararanasan. Dahil ito sa unti-unting nang namamatay ang pinakamamahal nating planeta. Kung magkakatotoo man ito hindi na kasalanan ng kalikasan kundi tayong mga tao rin. Ang hanging ating lalanghapin ay magiging mapanganib sa ating katawan. Samantalang ang tubig nating iinumin ay mistulang magiging lason. Ito ang malagim na dulot ng polusyon, ang ating pangunahing kalaban na hindi nakikita. Sa simula, pawang nagwawalang bahala lamang ang bansang apektado ng polusyon. Ngunit dahilan sa dumaring na ang mga taong nagkakasakit st namamatay dahil dito, nagsisimula ang kilusan laban sa polusyon. Karamihan sa mga industriya at pabrika sa mundo ay pawing sumusunod sa pagsugpo ng polusyon. May mga bagong tuklas ngayong mga pamamaraan upang ang mga dumi at usok na inilalabas ng mga pabrika ay malinis muna bago itapon. Ang mga sasakyan naman ay nilalagyan ng mga makabagong gadyet upang ang usok na ibinubuga ay hind imaging mapanganib sa kalusugan. Subalit kung ating ikukumpara, ilan lamang ang mga pabrika at mga sasakyan sa milyun-milyong kauri nito sa buong mundo ang gumagawa ng ganitong kaukulang pag- iingat. Kaya sadyang nanganganib parin tayo ngayon sa malubhang epekto ng polusyon. Subalit hindi pa huli ang lahat upang iligtas natin ito. Kooperasyon lamang ng bawat isa ang kinakailangan. Magtulong-tulong tayo upang mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran. mahalin natin ang mundo sapagkat iisa lamang ito. Mayroong apat na uri ng polusyon, ito ay ang polusyon sa hangin, tubig, lupa, at ingay.