GLOBALISASYON, KULTURA, AT KAMALAYANG PILIPINO 79 MALAY Globalisasyon, K Globalisasyon, K Globalisasyon, K Globalisasyon, K Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino ultura, at Kamalayang Pilipino ultura, at Kamalayang Pilipino ultura, at Kamalayang Pilipino ultura, at Kamalayang Pilipino Napoleon M. Mabaquiao Jr Napoleon M. Mabaquiao Jr Napoleon M. Mabaquiao Jr Napoleon M. Mabaquiao Jr Napoleon M. Mabaquiao Jr. Pamantasang De La Salle-Maynila, Pilipinas Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba’t ibang lipunan o bayan ay kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon, tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang mga kultura o pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay. Isinusulong sa papel na ito ang isang posibleng kasagutan sa hamong ito: ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan. Ang kasagutang ito ay bunga ng isang pilosopikal na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na nagbibigay ng identidad sa kamalayan sa pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano maitataguyod ang pambansang identidad ng kamalayan hango sa mga bagay. Ang mga pundamental na bagay na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: ang mga bagay kung saan nakatuon ang kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamalayan, ang mga pamamaraan (mga kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar at panahon) sa kaganapan ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa sa papel na ito sa konteksto ng pagtataguyod ng kamalayang Pilipino o ng identidad ng ating kamalayan bilang mga Pilipino. Sa kabila ng mga kaginhawaang naidudulot sa ating buhay ng globalisasyon, may mga pangamba sa posibleng di magagandang kahihinatnan nito. Ang isang pangunahing pangamba ay may kinalaman sa pambansang identidad. Ang ating kultura ay maituturing na pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad, kung kaya gumagawa tayo ng mga paraan upang mapanatili ang integridad nito. Subalit sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng globalisasyon sa ating kultura, pinangangambahan na baka maglaho ang integridad ng ating kultura at sa kalaunan, ang ating pambansang identidad. Sa partikular, pinangangambahan na baka maging bahagi na lamang ang ating kultura ng isang pandaigdigang kultura na maaaring umusbong sa proseso ng globalisasyon o kaya naman ng mga kultura ng mga makapangyarihang bansa na siyang mga dominanteng manlalaro sa proseso ng globalisasyon. Kaugnay nito, pinangangambahan din na baka ang globalisasyon ay isa lamang instrumento ng pananakop ng mga makapangyarihang bansa sa mga di makapangyarihang bansa, sa pamamaraang di lantad o kaya ay nakalilinlang. Una, dahil ang posibleng pananakop sa pamamagitan ng globalisasyon ay hindi direktang nagaganap sa