2014-02226-MN-0 Meryll Ann L. Garcia October 9, 2014 BSA 1-16 Ferdinand Marcos Hindi ko man naabutan ang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos ngunit nababasa ko ang kanyang mga nagawa sa iba't ibang libro maging sa aking mga magulang. Naririnig ko sa kanilang usapan ang ngalan noon ni Marcos at kudeta na kanyang pinatupad. Ano ba ang unang pumapasok sa isip ng tao pag nababanggit ang pangalan niya? Batas Militar? Karahasan? Korupsyon? Karamihan sa mga nakukuha kong tugon at komento ay negatibo, ngunit paano ba nasasala ng isang tao ang mga sagot na ito? Dahil ba ito ang tangi lamang na nagawa ni Marcos? Dahil ba ito ang mga huling katangian ng kanyang administrasyon? Para sa akin siya ang pinakamagaling na presidente na namuno sa ating bansa. Sa mga naging pangulo ng Pilipinas masasabi ko na si Pangulong Marcos ang nagkaroon ng pinakamakulay na buhay bunga ng maraming kontrobersiyang kanyang kinasangkutan gayundin ang kanyang pamilya at para na rin sa ikauunlad ng bansa. Si Ferdinand Marcos ay tanging pangulo ng Pilipinas na nagtagumpay sa pagtakbo sa halalan para sa reeleksyon. Lahat ng mga naging pangulo ng Pilipinas na nauna sa kanya ay pawang naghangad na muling maipagpatuloy ang kanilang panunungkulan ngunit si Marcos lamang ang nakakuha ng pagsang-ayon sa bayan sa pamamagitan ng pagkapanalo sa isang pambansang halalan. Patunay lamang ito na si Marcos ay pinagkatiwalaan ng sambayanang Pilipino sa kanyang kakayahan sa pamumuno. Marami siyang nagawa para sa bayan at inasam ng mga tao na maipagpatuloy ang gumaganda noong takbo ng kabuhayan. Naipagawa niya ang maraming daan at tulay. Ang tulay ng San Juanico na nagdurugtong sa Samar at Leyte ay nabuo sa panahon ng kanyang panunugkulan. Ipinagawa niya ito para sa kanyang asawa na si Imelda Romualdez Marcos.Naipatayo rin ang maraming gusali na hanggang ngayon ay atin pang napapakinabangan. Nagsimula ang paglaki ng