Diskarte ang Kailangan Upang Makaraos Sa Panahon ng Tag-hirap, at Mapaghandaan ang Katandaan Ni Apolinario Villalobos Ang pagpa-panic ng mga Pilipino ang kadalasang ginagamit ng mga swik na negosyante upang magtaas ng mga presyo ng basic commodies. Nagkakaroon ng panic buying dahil na rin sa pagsi-sensaonalize ng media. Dahil sa panic buying mabilis ang pagkaubos ng mga pagkain sa outlets tulad ng palengke at groceries, kaya pasok sa eksena ang “law of supply and demand” – biglang sisirit ang presyo. Huling-huli ng mga swik na negosyante ang kili ng mga Pilipino kaya nagho-“hoarding” o nagtatago sila ng mga basic commodies upang magkaroon ng “arficial shortage”. Yong iba naman dinadahilan ang paghagupit ng kalamidad kahit halos o mahigit isang taon nang lumipas ito. Dapat nagkaroon na ng leksiyon ang mga Pilipino, pero sa kasamaang palad ay hindi pa rin. Isang balita lang sa radyo na magkakaroon “pa lang” ng problema halimbawa sa supply ng sardinas dahil sa pagmahal ng tamban, karne ng baka, manok o baboy, nagtatakbuhan na sa palengke ang mga Pilipino at hindi magkandaugaga sa pagbili ng mga ito upang maitabi. Ang isang paraan upang hindi mahirapan kung may mga pagkukulang man o kawalan ng anumang bagay na nakasanayan na, ay ang paggamit ng iba. Halimbawang nagmahal ang lapia o iba pang isdang tabang, bakit hindi bumili ng isdang dagat? Kung parehong mahal sila, bakit hindi magyaga muna sa karne kung mura, pero kung mahal pa rin, bakit hindi lalong magyaga sa gulay muna? Kung mahal pa rin ang gulay sa palengke, bakit hindi na lang muna humingi ng malunggay at talbos ng kamote sa kapitbahay? …o di kaya, bilang huling remedyo ay magyaga sa ginisang isdang tanga na nagsiksikan sa maliit na lata, ang sardinas, na pwedeng igisa sa papaya, sayote, talbos ng kamote, kangkong, upo, kalabasa, o patola. Dalawang klaseng ulam ang pwedeng paggamitan ng kahit maliit na lata ng sardinas. Ang sarsa ay pwedeng pampalasa sa pansit at ang laman naman ay pwedeng panggisa sa gulay o gamin sa tortang itlog. Maaaring ihalo ang instant noodles sa mga gulay. Maliban sa malunggay, maaari rin itong ihalo sa ibang katutubong gulay, kahit na kangkong. Ang magdadala ng lasa ay ang nakapakete nitong flavoring na manok, baka o baboy. Kung ayaw ihalo ang mga noodles, ipunin mun at ang gamin sa gulay ay ang flavoring. Kapag dumami na ang naipong noodles, maaari nang ilutong pansit o di kaya ay ihalo sa paa ng manok. Maaari ring makapagluto ng dalawang klaseng ulam gamit ang mga paa ng manok. Pakuluan ang mga paa at makaraan ang ilang minuto ay hanguin ito, ang naiwang sabaw ay paglutuan ng papaya at kalabasa upang maging nola. Kung ayaw ng nola, haluan ng gulay na pangsigang, tulad ng kangkong. Ang lumambot na hinangong mga paa ng manok ay ilutong adobo. Ang mga paa ng manok ay mayaman sa collagen na panlaban sa sakit na rayuma at arthris. Gusto rin ito ng mga bata dahil para lang silang naglalaro habang kumakain. (Paningit lang: ang iba pang source ng collagen para sa mga nabanggit na sakit ay sea cucumber (“balat” sa Bisaya), at lid ng baka. Nakakatulong din ang pagkain ng maanghang na sili upang labanan ang rayuma at arthris.)