Ipaubaya sa Iba ang Hindi Kayang Gawin, at Huwag Kaiinggitan ang Tinamo nilang Tagumpay Ni Apolinario Villalobos Marami sa an ay kakambal na yata ang inggit. Ito ang mga taong ang gusto ay kilalanin sila na pinakamagaling kahit wala naman napatunayan o di kaya ay hanggang salita lang ang kayang gawin. Sila rin yong halos ay dapaan ang mundo, dahil lahat ay gustong gawin, at ayaw magbigay ng pagkakataon sa iba. At sila pa rin yong mga taong mahilig mangpuna o mag- cricize pero wala namang nakahandang suhesyon. Dahil sa utak na taglay, lahat ng taong normal ay may kakayahang gumawa ng iba’t ibang bagay subalit ang antas ng kagalingan at tagumpay ay hindi pareho, kaya nga sa bokabularyo ay merong mga katagang naghahambing. Inggit ang dahilan kung bakit ayaw tanggapin ng ibang mayroong mas magaling sa kanila. Ang tao ay may kakayahang magsikap upang makaakyat sa mga baytang ng buhay at marang ang tugatog ng tagumpay. Pero hindi lahat ng tao ay may kakayahang gumawa nito, katotohanan na dapat ay tanggapin. Hayaan na ang ibang makapagpatuloy dahil sa kakayahan ng kanilang talino at yaman. Huwag silang kaiinggitan, sa halip ay pagsikapang makagawa ng mga paraang angkop sa inabot na baytang ng pagsisikap. Halimbawang ang kaya lang na negosyo ay isang sari-sari store, at hindi big me na grocery, pagkitaan na lang na mabu ang sari-sari store at pagpursigihin ang pag-ipon, sa halip na umutang upang maging grocery ang maliit na ndahan. Applicable ang “no guts, no glory” sa mga angkop na larangan, hindi sa lahat, kaya piliing mabu kung saang larangan ka magaling at doon mo patunayan ang kasabihang yan, sa halip na isiping kung nagawa ng iba ay kaya mo ring gawin. May mga tao namang hindi nakakaalam kung sa aling larangan sila magaling kaya kailangan nila ang payo ng iba bilang pag-alalay sa kanila. Kapag nagtagumpay sila sa ini-suggest na gawain, sila mismo ay nagugulat at nagsasabing hindi nila akalain na kaya pala nila. Kabaligtaran ang nabanggit, ng ugali ng ibang Pilipino na mahilig magsabi ng, “kaya ko rin yan”, kahit alam nilang hindi nila kayang gawin ang ginagawa ng taong kinaiinggitan. Sa isang banda, ang ibang Pilipino ay mahilig ring magsabi ng “nakakainggit ka” na hindi maganda ang dang. Sa halip, ang sabihin dapat ay “nakabibilib ka, gagayahin kita”. Tulad na lang ng kuwento tungkol sa isang nanay na mahilig maiinggit sa kanyang mga kaibigang magaling magluto, at ang expression ay, “nakakainngit ka”. Ang isang sinabihan ay napuno na kaya binara siya ng “gumaya ka!”. Puro salitang inggit kasi ang palaging lumalabas sa bibig ng nanay na ito sa halip na gayahin ang magandang ginagawa ng iba, kaya hanggang sa nakapag-asawa ang mga anak, ay hindi man lang natutong magluto ng adobo! Kung makita namang maayos ang hitsura ng mga kaibigan dahil marunong mag-manage ng oras, kaya may panahong maligo at maglinis ng katawan, siya namang tamad maglinis man lang ng bahay ay burara pa sa katawan, kaya sa ngin pa lang ay mabaho na! May isa namang kakilala lang ang tahasang nagsabi sa aking, “kaya ko ring gumawa ng tula”. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi naman ako nagbabanggit sa kanya ng ginagawa kong