Kapakinabangan at Kapinsalaan ng Social Media Ayon sa website na Statista.com (2015), tinatalang umaabot nang halos 1.5 bilyong katao ang nagla-log in sa Facebook kada araw. Apat na beses nito ay ang bilang ng mga mensaheng ipinapadala sa bawat pakikipag-ugnayan ng mga taong kabilang dito. Umaabot naman sa 270 milyong katao ang aktibong gumagamit ng Twitter, at 300 bilyong tweets na ang naipadala simula nang ito ay inilunsad (Statista, 2015). Ayon naman sa website ng YouTube (2015), tinala nilang umaabot sa isang bilyon ang kanilang tagasubaybay. Bawat araw, 100 milyong oras ang kabuuan ng oras ng panunuod ng mga users nila, na nagdiye-generate ng bilyon-bilyong views. Milyon-milyon ng mga tagasubaybay ng mga websites na ito ay mga mag-aaral. Kapakinabangan ng Social Media Noong 2010, naglabas ang Pew Internet & American Life Project ng resulta ng kanilang isinagawang survey na nagsasabing halos 3/4 ng mga kabataan ay gumagamit ng internet para sa social networking sites. Habang pinupuna ng mga kritiko ang social networking sites bilang lagusan patungo sa antisocial at hindi pagiging produktibong kaugalian ng kabataan, dumarami naman ang mga katibayan na ang mga website na ito ay nakakatulong sa kanila upang malinang ang kanilang technology proficiency, payabungin ang kasanayang sosyal, at pagyamanin ang kanilang pagkatuto. Sa katunayan, nagsagawa ng pag-aaral ang National School Boards Association noong 2007, at nalaman nila na 60% ng mga mag-aaral ay gumagamit ng social networks upang pag-usapan ang mga paksang makakatulong sa kanilang pag-aaral, at 50% ng mga mag-aaral ang nagsabing ginagamit nila ito upang pag-usapan ang mga gawain sa paaralan. Ipinahihiwatig lamang ng mga istatistikong ito na nahuhubog ang makabagong presensiya ng edukasyon sa mundo ng social media. Mula sa mga datos na ito, at sa impluwensiya nito sa mga mag-aaral, talagang hindi maikakaila na nagpapakita ang social media ng kahalagahan sa kaligirang pang-edukasyon—kung ito ay magagamit nang may katalinuhan, kapakinabangan, kahandaan at kaingatan, hindi lang ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ng mga guro. Marami na ang nagsabi ng mga pakinabang ng social media sa edukasyon. Dagdag pa nila, hinihimok din nila ang mga mag-aaral na gamitin ang social media tools at social networking sites upang maibahagi sa marami ang kanilang creativity at maipahayag ang kanilang mga saloobin sa kapwa. Itinuring nina Lee and McLoughlin (2008) ang social networking sites bilang