Kaginhawaan at Himagsikan: Ang Daloy at Ugnayan ng Kaginhawaang Pilipino at Simbahang Katoliko sa Himagsikang 1896 G. Chen V. Ramos Masterado ng Sining sa Kasaysayan Pamantasang De La Salle-Maynila Introduksyon Ang pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino, mabuti man o masama ay sumasalamin sa hangarin na makamtan ang matagalang kaginhawaan na ipanaglaban noong pa mang bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Hindi maipagkakaila na ang paghahanap sa kaginhawaan ay nakaugat di lamang sa mga kaugalian ng mga Pilipino kundi maging sa malalim nitong relasyon at paniniwala na maibibigay ng mga diyos at diyosa ang paggabay sa Pilipino upang matagpuan ang kanilang kaginhawaan sa kanilang paglalakbay. Ang pagkakaroon ng malalim na pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa kanyang kapwa at diyos ay tumutulong upang maunawaan niya ang konsepto ng pagbibigay-kabuluhan sa kulturang nakaugat sa kanyang pagiging Pilipino. Ang pakikipagkapwa ay kaugaliang Pilipino na hanggang sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy upang maunawaan ang halaga at gampanin ng kanyang sarili sa panahon na kanyang kinabibilangan. Ang pakikipagkapwa ay isang mas malalim na pakikipag-ugnayan sa kapwa tao na ipapantay nito ang kanyang sarili sa taong gusto nitong makilala upang magkaroon ng pagpapasa at pag-uunawaan ng kanilang kaugalian at kultura. 1 Kaya’t hindi maitatanggi na ang pagpasok ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nangangahulugan ng pag-uugnay ng kanilang 1 Virgilio Enriquez, From Colonial to Liberation Psychology: The Philippine Experience (Manila: De La Salle University Press, 1994), 47. 1