Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 275 LASCO: Ang DzKalibre dz at ang Pakikibaka ng mga Mandirigmang Pilipino Saliksik E-Journal Artikulo ANG “KALIBRE 45” AT ANG PAKIKIBAKA NG MGA MANDIRIGMANG PILIPINO Lorenz Lasco Bahay Saliksikan ng Kasaysayan - Quezon City, Philippines Abstrak Itinuturing ang M1911 .45 Automatic Colt Pistol (ACP) na pinakatanyag na pistola sa buong mundo. Pangkaraniwang tinatawag natin ito na Dzkalibre kwarentaǯy singkodz o Dzkwarentay- singko.dz Naging opisyal na baril ang M1911 ng U.S. Army noong 1911, bilang kapalit ng mas mabagal na iputok na .38 at .45 na mga kalibre ng rebolber na nauna rito. Kinailangan ng mga Amerikano ang malaking kalibre (.45) at mabilis na iputok na baril (semi-automatic), dahil sa hirap na inabot nila sa pagpapabagsak ng mga Pilipinong bolomen o kris-men, gamit ang mga naunang baril nilang nasabi. Naganap ang mga labanan noong 1899-1902 sa Luzon at Kabisayaan, at noong 1903-1913 sa Mindanao at Sulu. Kung gayon, ang nagsilang sa M1911 ay ang nasabing mga ninunong mandirigma na lumaban kontra sa Estados Unidos at bago pa noon, laban sa España. ANG MGA NINUNONG MANDIRIGMA Ang simulain ng paglikha sa pinakatanyag na pistol (tignan ang Larawan 1), ang M1911, ay maiuugat sa husay ng ating mga ninunong mandirigma noon pa mang dating panahon. Halimbawa, narito ang ilang pahayag mula mismo sa ating mga nakalaban noon, ilang dantaon na ang nakalipas. Mula sa mga Español, noong dantaon 17: On the contrary, it must be said that the Indians are those who defend us from our enemies; for, in the presidios, who are the soldiers, who sail in the war fleets, who are in the vanguard in war? Could the Spaniards, per chance,