Kabanata I SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Kaligiran ng Pag-aaral Tila magkaiba na ang imahe ng mga kababaihan ngayon at mga kababaihan noon. Sa pagdaan ng panahon ay tila naiba narin ang pananaw ng mga tao sa kababaihan. Kung ating babalikan ang nakaraan, tila ay walang karapatan ang mga kababaihan nuon. Tanging mga lalake lang ang nakapagaaral. Lalake lang ang naghahanap-buhay. Lalake lang halos ang nakikinabang sa mga luho ng lipunan. Ayun sa isang artikulo ni Valiente (2011), wala daw boses ang mga kababaihan nuon. Hindi daw makapagreklamo ang mga babae nuon at hindi raw nila maisapubliko ang kanilang mga hinaing. Nakasaad sa Bibliya (Genesis 2:22) na ang babae ay hinugot lamang sa tadyang ng lalake, sabi naman ng iba na ang babae ay pag-aari ng lalake at ang iba naman ay nagsasabing mahina ang mga babae, pero ano nga ba ang katatayuan ng kababaihan sa lipunan sa kasalukuyan? Sinuman ay hindi ikakaila na may ginagampanang mahahalagang papel ang mga kababaihan sa ating lipunan. Lagi nating silang tinitingnan bilang tagapag-alaga, tagapagturo, tagapag-asikaso at marami pang iba. Ngunit talaga bang ginagalang ng iba ang kanilang karapatan? Naipagtatanggol ba nila ang mga karapatang ito? Ang kalahati ng populasyon ng mundo ay binubuo ng mga babae. Kung ating pababayaan na sila’y abusuhin, apihin, saktan, hiyain, pabayaan at hamakin, ating sinusupil ang mga karapatan ng kalahating bahagi ng sangkatauhan. 1