MGA PANGULO NG PILIPINAS Si Emilio Aguinaldo y Famy [1] (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral, poliko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899–1 Abril 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas . Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang im na bow e hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon . Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. [1] [2] Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas. Si Manuel Luis Quezon y Molina [1] (19 Agosto 1878 – 1 Agosto 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 – 1 Agosto 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas , kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapis Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler , sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora ) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. [1] Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano , bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos. [1] Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas. [1]