Scene: (open curtain) Ibarra: Bilisan mo!! Nandyan na sila! (Pinagbabaril ng mga Guwardiya Sibil) Tao1: Ngunit Ginoo lubhang ahhhh… (Tinamaan ang tao1 sabay talon ni Ibarra) (Lalabas si Rizal at babarilin ng Guwardiya Sibil) Turtle: (Kakanta) (Mga tauhan sa unang tagpo ay magsasagwan habang sumisigaw ang Kapitan ng BAPORP, ESTRIBORP..) (close curtain) Scene: (open curtain) SA KUBYERTA Donya Victorina: buenos días a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina, Kapitan, Bakit hindi natin bilisan? Kapitan: Kapag bumilis pa’y maglalagos na tayo sa palayang iyon Ginang.. (sabay kindat kay Doña Victorina) Donya Victorina: Mangyari ay wala ni isa mang maayos na lawa sa lupaing ito! (nagkatinginan ang mga prayle) Simoun: Ang lunas ay napaka dali (slang), at sa katotohanan ay di ko alam kung bakit wala ni sinuman ang nakaisip nito. (tinignan siya na may pagtataka) (tumuro sa isang dako at sinundan ng mga mata nang mga naroroon) Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin sa Maynila; alalaong baga’y magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan ang dating ilog Pasig. Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa? Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, Pagka’t mga bilanggo ang gagawa. Don Custodio: Walang sapat na bilanggo! Simoun: Kung gayo’y piliting gumawa ang mga mamamayan bata man o matanda! Don Custodio: Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan!